Isa sa mga namamayagpag ngayon sa showbiz ang napakagandang anak ng dating aktres na si Marjorie Barretto na si Claudia.
Credit: @marjbarretto Instagram
Kilala ng marami ang pamilyang Barretto sa mundo ng showbiz bilang mahuhusay na mga aktres. Ngunit taliwas sa yapak ng kanyang mga tiyahin at kapatid ang landas na tinahak ni Claudia.
Si Claudia ay ang nakababatang kapatid ng aktres na si Julia Barretto at pamangkin naman siya ng ilang batikang aktres noon na sina Gretchen Barretto at Claudine Barretto.
Credit: @marjbarretto Instagram
Kung ang kanyang mga kamag-anak ay pinasok ang pag-arte, si Claudia naman ay mas piniling ipamalas sa mundo ang talento niya sa pag-awit.
At kamakailan lamang ay matagumpay na inilabas ni Claudia ang kanyang debut single na “Nothing To Do” featuring Mito Fabie o mas kilala bilang si Curtis Smith sa ilalim ng kanyang bagong talent agency na Viva Records.
Credit: @claudia Instagram
Proud nanay naman si Marjorie para sa anak dahil sa panibagong milestone na nakamit nito sa kanyang singing career.
Sa kanyang Instagram post, isang sweet message ang isinulat ni Marjorie para kay Claudia.
Ani Marjorie, “My beautiful Claudia… so much good things happening in her life now, her new song NOTHING TO DO is out now on Spotify and her music video is out on YouTube too.”
Credit: @claudia Instagram
Ngunit bukod sa husay sa pag-awit ni Claudia, isa rin siyang mahusay na estudyante. Proud na ibinahagi ni Marjorie sa nasabing post na ‘first honor’ ang kanyang anak sa klase nito. Ayon kay Marjorie, bonus daw ang pagiging honor student ni Claudia.
Nasa huling taon na sa kolehiyo si Claudia at siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo de Manila University.
Credit: @claudia Instagram
Saad ni Marjorie, “And the bonus… she tells me the other day that she’s FIRST HONOR in school! What a blessing she has been❤️ She is now a Senior in College at the Ateneo. Im so excited for your future, Claudia. I love you so much❤️ God is awesome!”
Maliban naman kay Marjorie, proud din ang Kapamilya actress na si Julia sa achievement ng kanyang kapatid.
Komento ni Julia sa post ng ina, “That’s my girl!”
Credit: @claudia Instagram
Taong 2018 nang magtapos ng high school si Claudia sa Everest Academy sa Taguig City kung saan ay nakatanggap din siya ng parangal.