Isa na namang step papalapit ang mag-asawa na si Mark Herras at Nicole Donesa sa pangarap nila para sa kanilang munting pamilya dahil ngayon, abala ang couple sa pagpapagawa ng kanilang bahay!
Credit: @nicole_donesa Instagram
Hindi naman na sikreto pa sa atin kung gaano kagulo ang mundo ng showbiz pero sa kabila ng lahat ng ito, nahanap pa rin ni Mark at Nicole ang isa’t-isa. Matatandaan na kinumpirma ng couple sa publiko ang kanilang relationship noong taong 2019 at buwan ng Pebrero naman nang nabiyayaan sila ng baby na si Mark Fernando o kung tawagin nila sa palayaw nitong “Corky”.
Matapos ang ilang buwan nang sila’y ikasal, pinagkakaabalahan na ngayon ng couple ang pagpapagawa ng kanilang bahay na kumakailan lamang ay ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account.
Mapapanood sa ibinahaging video ni Nicole sa Instagram nito lamang Huwebes, April 14 na pareho silang nakasuot ng hard hat ng asawa habang ginigiba nila ang pader ng bahay na kung tawagin nila bilang Casa Corky.
“Hard Work & Dedication. Officially the start of #CasaCorky🏠 ,” sulat ng aktres sa kanyang caption.
Credit: @nicole_donesa Instagram
Pag-amin ni Nicole, malayo-layo pa ang daan na tatahakin nila bilang isang pamilya pero sobrang happy umano niya ngayon dahil at least, nagawa na nila ni Mark na ma-check ang isa sa kanilang pangarap at ito ay ang ipinapagawa nilang Casa Corky.
“We have a long journey up ahead, but at least we are finally one step closer to our dream ✨ Thank you God, for the guidance and blessings. This is all for our Corkyboy ❤️,” sabi ng aktres.
View this post on Instagram
Dahil sa achievement na ito ng couple, marami sa kanilang fans at iilang malalapit na kaibigan sa showbiz ang naghatid ng mensahe ng pagbati sa mismong comment section sa post ni Nicole.
“YAAAAAAY!! 🙌🏻,” komento ni Sophie Albert.
Credit: @nicole_donesa Instagram
“Congratulations 🥳,” sabi naman ni Jade Lopez.
Isa rin sa nagpahayag ng kanilang damdamin ay ang dating girlfriend ni Mark na si Ynna Asistio na nagkomento ng, “Congratulations guysss!! @nicole_donesa 🤗🤗🤗”
Ngayon na ipinapagawa na ng mag-asawang si Nicole Donesa at Mark Herras ang Casa Corky, masasabi talaga na malapit na nilang ma-check ang lahat ng goals nila para sa kanilang magandang pamilya.