Magkasintahang Mark Herras at Nicole Donesa, ipinasilip ang unang pagkain ng solid food ng kanilang baby boy na si Corky

Noong Pebrero ay isinilang ng beauty queen-turned-actress na si Nicole Donesa ang baby boy nila ni Mark Herras na pinangalanan nilang Mark Fernando at may palayaw na “Corky.”

Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram

At nitong Hulyo lamang ay ipinagdiwang nga ng celebrity couple ang ika-5 buwang kaarawan ng kanilang panganay na anak.

Sa kanilang YouTube channel, ipinasilip nina Mark at Nicole kung paano nila ipinagdiwang ang buwanang kaarawan ng kanilang baby boy.

Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram

Para sa kanyang ika-5 buwang kaarawan ay nagbihis ng isang skater boy outfit si Baby Corky. Simple naman ang birthday cake ni Baby Corky na may nakasulat pang “Hi Five.”

Nagbahagi rin sina Mark at Nicole ng ilang milestones sa buhay ng kanilang anak ngayon na ito ay limang buwang gulang na.

Pagbabahagi ni Donesa, “He can do mini-push ups, and he is starting to bounce up and down, and he shakes his butt all the time so…Happy five months, Corky!”

Ayon naman kay Mark, “He’s very charming lagi lang siyang naka-smile. ‘Tapos last night…he dances na.”

Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram

Memorable rin ang pagtungtong ni Baby Corky ng limang buwang gulang dahil unang beses niyang kumain ng matigas na pagkain. Si Mark mismo ang nagpakain sa kanilang panganay ng mashed banana na hinaluan ng breastmilk ni Nicole.

Samantala, makikita sa vlog ng Kapuso couple ang pagbisita nila sa doktor para sa immunization ni Baby Corky. Todo-aliw naman si Mark kay Baby Corky habang tinuturukan ito ng bakuna.

Setyembre noong nakaraang taon nang ibinalita nina Mark at Nicole na inaasahan nila ang kanilang unang anak, ilang buwan pagkatapos naman nilang ihayag ang kanilang engagement.

Matatandaang mariing iginiit noon ni Mark na hindi sila magpapakasal ni Donesa dahil lamang magkakaanak na sila.

Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram

“Nicole’s pregnant, five months pregnant now. Pero hindi ‘yun ‘yung reason kung bakit kami magpapakasal, okay? Nililinaw ko lang sa mga mambabash diyan, ha?” pahayag ni Mark.

Humiling din si Mark at Nicole sa kanilang mga tagahanga na suportahan sila sa kanilang journey bilang first-time parents.

Wala pa namang ibinabahaging detalye o petsa sina Mark at Donesa sa ngayon kung kailan gaganapin ang kanilang inaabangang kasalan.

Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram

Lingid sa kaalaman ng lahat, mayroon pang isang anak si Mark sa kanyang dating personal assistant na si Ada Sofia Nicolette.