Mark Herras, ikinasal na sa kanyang fiancèe at dating beauty queen na si Nicole Donesa!

Ikinasal na ang Kapuso actor-dancer na si Mark Herras sa kanyang fiancèe na si dating beauty queen Nicole Donesa.

Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram 

Masayang ibinalita ng celebrity couple kahapon, September 19, na sila ay officially married na. Sa kani-kanilang Instagram account, ibinahagi nina Mark at Nicole ang ilang litrato kuha mula sa kanilang simple at intimate civil wedding na ginanap noong September 8.

Sa kanyang post sinabi ni Mark, “Got married”, sabay tawag kay Nicole na “Mrs. Herras.”

Kasabay naman ng Instagram announcement ng celebrity couple ay inilabas nila ang kanilang vlog na may pamagat na “We Got Married!” kung saan mapapanood ang ilang kaganapan sa kanilang kasal.

Sa vlog, pinasalamatan nina Mark at Nicole ang nag-officiate ng kanilang kasal na walang iba kundi si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ipinaliwanag naman nila kung bakit pinili nilang civil wedding muna ang gawin imbes na church wedding.

Ayon kay Mark, napagpasyahan nilang mag-civil wedding muna dahil nais nilang maging legal na mag-asawa na. Idinagdag din niya na pinili muna nila ni Nicole na ipagpaliban ang kanilang church wedding dahil sa kasalukuyang [email protected]

Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram

“Kaya kami nagpa-civil wedding na it’s because we wanted to be legal na. Dahil sa [email protected] ngayon, hindi pa talaga kasi makapag-wedding na gusto namin, na carefully planned out [kung saan] present yung mga kamag-anak and close friends [namin],” paliwanag ni Mark.

Dagdag pa niya, “Dahil sa [email protected], hindi pa siya pwede ayusin. Kasi kung sakaling ipilit namin yung church wedding, marami rin ang hindi makakapunta.”

Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram

Sinabi naman ni Nicole na sa ngayon, hindi pa nila alam ang eksaktong petsa o taon kung kailan gaganapin ang kanilang church wedding. Gayunpaman, iginiit niyang mangyayari ito kapag maayos na ang lahat.

“But we’re saving the big celebration for the church wedding. We just don’t know when. Mahirap magsabi ng year or ng date eh. Hopefully, soon sana matapos na ang nangyayaring [email protected],” ani Nicole.

“Very unpredictable pa yung masasabi namin kailan kami magpapakasal sa church. Pero it will happen, it will really happen,” dagdag niya.

Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram

Sina Mark at Nicole ay na-engage noong June 2020. Masaya naman nilang winelcome ang kanilang panganay na si Mark Fernando o ‘Baby Corky’ January ngayong taon.