Markus Paterson, aminadong mahirap maging isang batang ama ngunit iginiit na hindi niya ito pinagsisisihan

Matapos maging isang ganap na ama sa edad na 22, masasabi ngayon ng actor-singer na si Markus Paterson na mahirap maging isang batang ama.

Credit: @markus Instagram

Matatandaang noong 2020, naging isang ganap na magulang si Markus sa panganay na anak nila ng aktres na si Janella Salvador na si Baby Jude Trevor.




At sa kanyang YouTube channel, bukas namang ibinahagi ni Markus ang kanyang journey sa fatherhood.

Credit: @markus Instagram

Sa episode 2 ng kanyang vlog series na pinamagatang “Papa’s Journey,” ikwenento ni Markus kung paano binago ng pagiging ama ang kanyang buhay.

Kwento ni Markus, mula nang maging ama siya tuluyan nang nagbago ang kanyang prayoridad sa buhay pati na rin kung paano niya tingnan ang bawat sitwasyon na dumarating sa kanyang buhay.

Credit: @markus Instagram

“‘Yung buong buhay ko nagbago. From my decision-making, my priorities in life, how I think, how I approach even the smallest situations. It’s really crazy,” pag-amin ni Markus.

Ayon kay Markus, dumating siya sa puntong kinuwestyon niya ang kanyang kakayahang buhayin ang anak nila ni Janella. Ngunit sa tulong na rin ni Janella at suporta ng kanyang pamilya, nawala umano ang kanyang mga pangamba.

Credit: @markus Instagram

“Mahirap talaga. Marami talagang papasok sa isip mo na ‘Kaya ko ba ‘to? Kakayanin ko ba ‘to? Will I get enough work to financially support a child? There’s a lot of questions and doubts that will pop into your head,” saad pa ni Markus.

Credit: @markus Instagram

Dagdag niya, “Pero the main thing that brought me out of those doubts and those questions is, first of all, Janella (Salvador) and my family back home in the UK.”

Credit: @markus Instagram

Deretsahan namang inamin ni Markus na hindi niya pinagsisihan na maging isang ama sa murang edad, sa kabila ng hirap na kaakibat ng pagiging isang magulang.

“But yeah, I’m not going to sugarcoat it. It’s definitely not easy being this young and getting thrown into the world of parenthood. But also, it’s not something that I would ever regret looking back on it. It’s not worthy of the thought of regretting it,” pag-amin niya.




Credit: @markus Instagram

At gaano man kahirap ang maging isang ama, sinabi ni Markus na masayang-masaya siya na alagaan ang kanilang anak.

Credit: @markus Instagram

Ani Markus, “It’s hard to be a young father. It’s hard to be a young mother. It’s hard to be a young parent…(But) Sobrang saya. Not to under answer this question if that’s even a thing pero sobrang saya. I mean kahit gaano ako ka-exhausted or tired, hindi talaga siya parang challenge or trabaho.”