Marvin Agustin, may mensahe para sa kambal na anak para sa kanilang pagdiriwang ng ika-16 na kaarawan

Abala man sa showbiz bilang isang sikat na artista ay malaki pa rin ang pagpapahalaga ni Marvin sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak. Malayang ipinapahayag ng aktor sa publiko at sa social media ang kanyang pagmamahal sa mga anak na siyang hinangaan ng mga netizens.

Credit:Β @marvinagustin Instagram

Agosto ngayong taon nang ipinagdiwang ng kambal na mga anak ni Marvin ang kanilang ika-16th na birthday. Sa espesyal na araw nina Sebastian at Santiago ay nagpaabot ng pagbati ang kanilang Daddy Marvin.

Linggo, August 15 nang nagbahagi ng larawan si Marvin sa kanyang Instagram account kung saan ay makikitang kasama niya ang kanyang “twin sons” na sina Sebastian at Santiago na may kasama pang makabuluhang mensahe.

Credit:Β @marvinagustin Instagram

Sa nakaka-touch na mensahe ni Marvin ay hiniling ng aktor na sana manatiling matatag ang mga anak sa kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan nila sa buhay.

“Sweet 16πŸ‘¬ Sana palakasin kayo ng mga pagsubok na pinagdadaan natin. Walang perpektong mundo, meron lang mga taong kakayanin ang kahit na anong pagsubok na dumating sa buhay nila at yan ang wish ko sa inyo. Maging matatag sa kahit na anong haharapin nyo sa buhay,” mensahe ni Marvin.

Credit:Β @marvinagustin Instagram

Hindi naman nag-alinlangang nagpahayag ng pagmamahal si Marvin para sa kanyang kambal na mga anak.

“I LOVE YOU MY HANDSOME BOYS!πŸ•ΊπŸ»πŸ•ΊπŸ»”

Ayon pa sa aktor, ililibre niya ng cochinillo at ipagbe-bake ng carrot cake ang dalawang anak bilang selebrasyon sa kanilang kaarawan.

Credit:Β @marvinagustin Instagram

“Ipagco-COCHI ko kayo at ipagbe-bake ng Kerot Cake! Buti na lang marunong ako magluto at di na tayo gagastos paπŸ˜†,” sabi ni Marvin.

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe ay muli niyang binati ang mga anak ng “HAPPY BIRTHDAY SEBASTIAN & SANTIAGO!😍”

Sa mismong post ay maraming fans at netizens ang bumati kay Sebastian at Santiago. Ilan naman sa mga nagkomento ay sina Jhong Hilario at Nikki Valdez.

Credit:Β @marvinagustin Instagram

“Happy birthday! πŸŽ‚πŸŽˆπŸ˜ƒ” Pagbati ni Jhong.

“Happy Birthday!!!! πŸ’•” Sabi naman ni Nikki.

Bilang pasasalamat sa lahat ng bumati kay Sebastian at Santiago ay nagkomento si Marvin sa sariling post sa Instagram.

Credit:Β @marvinagustin Instagram

“Salamat sa greetings!πŸ™πŸ»” pasasalamat ni Marvin.

Talaga namang hindi masusukat ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga anak, katulad na lamang ni Marvin Agustin.

Credit:Β @marvinagustin Instagram

Taong 2005 nang isinilang ang kambal na anak ni Marvin at ng kanyang ex-girlfriend na si Tetet Dy. Nagkahiwalay man sila Marvin at Tetet ay nanatili naman silang magkaibigan para sa kanilang dalawang anak.