Marvin Agustin, pinatakam ang netizens nang ipakita kung paano niya ginagawa ang mga espesyal na ibinebenta ngayong qu@rantine

Maraming negosyo sa bansa ang labis na naapektuhan dahil sa mga ipinapatupad na community qu@r@ntine at l0ckd0wn bunsod ng p@ndemya. Kabilang nga rito ang restaurant business ni celebrity turned entrepreneur Marvin Agustin.

Credit: @marvinagustin Instagram       

Ngunit kagaya ng marami sa atin ay nag-isip din ng paraan si Marvin para kahit papaano ay may ekstrang pagkakitaan ngayong panahon ng qu@rantine. Isa ang pagbe-bake ng iba’t ibang uri ng tinapay at pastelerya sa mga pinagkakakitaan ngayon ni Marvin.

Credit: Marvin Agustin Facebook

Madalas ngang patakamin ni Marvin ang netizens dahil sa mga baking videos na ibinabahagi niya sa kanyang mga social media account.

Credit: Marvin Agustin Facebook

Kamakailan lamang ay nag-post si Marvin ng isang video sa kanyang Instagram kung saan ay ibinida niya ang kanyang espesyal na Quezo de Bola Ensaymada.

Credit: Marvin Agustin Facebook

Para kay Marvin, hindi lang siya kumikita mula sa kanyang pagbe-bake kung hindi nare-relax din umano siya.

Credit: @marvinagustin Instagram

Saad niya sa caption ng Instagram video, “Pamparelax ko, magfrosting ng ensaymada😍
Isa sa pinasasalamat ko na hindi ako napapagod matuto ng mga bagong bagay. Okay ako mahirapan at magsimula ng bago.”

Credit: @marvinagustin Instagram

Sa caption ay ikwenento rin ni Marvin na bago pa man niya pasukin ang pag-aartista ay iba’t ibang produkto na ang kanyang ibinebenta at trabaho ang kanyang pinasok.

Credit: @marvinagustin Instagram

Aniya, “Ganito na ako lumaki, mula sa pagtitinda ng mga tocino at longanisa hanggang sa nag mascot ako sa shakeys, maging crew ng ACA Video at waiter/bartender/janitor/kitchen helper sa Tia Marias.”

Credit: @marvinagustin Instagram

Masaya nga raw si Marvin dahil palagi siyang may natutunan na bagong trabaho. Ayon pa sa aktor, “Masaya ako lagi na may natutunan akong bagong trabaho. Pero ang pinakamasarap sa lahat yung may natutulungan ka ding ibang tao.”

Nagpapasalamat naman si Marvin sa lahat ng mga taong tumatangkilik sa mga homemade bread at cake na ibinebenta niya.

Credit: @marvinagustin Instagram

Ani Marvin, “Salamat sa mga resellers namin sa Mr.vinmunchies at mg taong sumusuporta samin every week. Maraming salamat sa inyo!🙏🏻😍🕺🏻”

Maliban sa Ensaymada ay matatakam ka rin sa homemade 48 Hour Cookies, Walnut Chocolate Chips Banana Bread, Kerot Loaf Cake at Classic Chocolate Cake na ibinebenta ni Marvin.

Credit: @marvinagustin Instagram

Samantala, sa kanyang naunang Instagram post noong April 20 ay ikwenento ni Marvin na natuto lamang siyang mag-bake dahil sa qu@rantine. Kwento ni Marvin, “Natuto ako mag bake dahil sa qu@rantine, thank you sa YouTube at Google.”