Mata ng namayapang aktor na si AJ Perez, nagbigay ng panibagong pag-asa para sa lalaking ito

Labis-labis ang pasasalamat ng isang contestant ng “Bawal Judgmental” segment ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” sa namayapang aktor na si AJ Perez dahil binigyan siya nito ng pagkakataon na makakita muli nang malinaw.

Credit: Eat Bulaga! YouTube     

Nitong Martes, October 27, mga nag-donate o tumanggap ng 0rgan ang mga contestant ng nasabing segment. Isa nga si John Daniel delos Santos sa mga contestant ng “Bawal Judgmental” na tumanggap ng 0rgan.

Credit: Eat Bulaga! YouTube

Ayon kay John Daniel, isa umano siya sa mga beneficiary o tumanggap sa dalawang eye c0rnea ni AJ. Ang isang cornea umano ni AJ ay marahil naibigay na rin sa isa pang mapalad na eye cornea recipient.

Credit: @kowalerts Instagram

Ikwenento ni John Daniel na sanggol pa umano siya nang nasugatan ang isa niyang mata na naging sanhi para maging malabo ang kanyang paningin.

Credit: Eat Bulaga! YouTube

Kwento ni John Daniel, “Nung one and half months old po ako, nagka-sugat po ako sa mata. Di ko po alam kung ano po cause nun. Siguro daw po alikabok or baka daw nakalmot ko ng kuko ko.”

“Bale ‘yung sa cornea po nagkaroon ng puti sa gitna kaya po napaka sobrang labo po. Aninag lang po ‘yung nakikita ko. Isang mata lang po ‘yung gumagana sa akin…,” dagdag pa ni John Daniel.

Credit: Eat Bulaga! YouTube

Ayon pa kay John Daniel, napakahirap umano para sa kanya na malabo ang kanyang mata. Aniya, sa tuwing nagbabasa umano siya noon ay parati umanong sumasakit ang kanyang ulo.

Credit: @kowalerts Instagram

Hanggang sa isa si John Daniel sa mga mapalad na tumanggap sa isang c0rnea ni AJ taong 2011.
Matatandaang noong araw na i-nilipat kay John Daniel ang c0rnea ni AJ ay siyang araw din na n@s@wi sa isang malagim na car acc!d@nt ang aktor.

Credit: @kowalerts Instagram

Walong taon pa lamang noon si John Daniel nang isinagawa ang c0rnea tr@nsplant sa kanya. `

Siyam na taon mula nang naging malinaw muli ang kanyang paningin, ay labis-labis ang pasasalamat ni John Daniel kay AJ at sa pamilya nito.

Credit: @kowalerts Instagram

Pahayag ni John Daniel, “Sa parents po ni Kuya AJ, at saka sa kanya po mismo, maraming maraming salamat po. Napakalaking tulong po sa akin nung c0rnea niya po. Habambuhay na pasasalamat sa kanila po dahil malaking tulong po ito hanggang paglaki ko.”