Matibay na pagkakaibigan nina Super Tekla at Donita Nose, hinangaan ng maraming netizens

Totoo nga ang sabi nila na nasusukat ang pagkakaibigan ng dalawang tao sa panahon ng kagipitan at problema.

Credit: @superteklahlibrada Instagram  

Kung minsan kasi ay may tinatawag tayo na mga “kaibigan” na nariyan lang sa ating tabi kapag tayo ay nasa pinakatuktok ng ating career o kaya naman nasa pinaka-masayang yugto sa ating buhay.

Ngunit kapag darating na ang malaking unos o problema sa ating buhay ay “no show” o wala sila sa ating tabi.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Kaya napakaswerte natin kapag nakahanap tayo ng isang kaibigan na nariyan palagi sa ating tabi sa hirap man at sa ginhawa.

Isa nga si Super Tekla o si Romeo Librada sa totoong buhay sa mga tao na nabiyayaan ng isang napaka-mabait at tunay na kaibigan sa katauhan ni TV host-comedian Donita Nose.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Sa panahon kasi na lubog na lubog si Super Tekla sa mga problema at hindi na alam kung paano magsisimula ay hindi umalis si Donita Nose sa kanyang tabi.

Kahit maraming naririnig na hindi maganda si Donita Nose tungkol sa kaibigan ay pinili nitong alamin muna ang totoo mula mismo kay Super Tekla bago niya ito husgahan.

Credit: @donitanose Instagram

At sa kabila ng mga negatibong bagay na kanyang narinig tungkol sa kaibigan ay nanindigan si Donita Nose na paniwalaan na mabuting tao ang kanyang kaibigan base sa mga nakita at pagkakakilala niya kay Super Tekla.

Hinahangaan nga si Donita Nose ng netizens lalo na nang tulungan niya si Super Tekla na makabangon mula sa pagkakalugmok niya gawa ng mga isyung ibinabato sa kanya ng dating partner na si Michelle Banaag.

Credit: Donekla In Tandem YouTube

Mas lalong humanga ang mga netizen kay Donita Nose at sa klase ng pagkakaibigan na mayroon sila ni Super Tekla nang siya mismo ang nanguna at nag-presenta na linisin ang condo unit ng kaibigan. Makikita sa vlog na inupload sa YouTube channel nina Donita at Super Tekla ang mano-manong paglilinis ni Donita sa m@rumi at m@kalat na condo unit ni Super Tekla.

Credit: Donekla In Tandem YouTube

Para bigyan ng panibago at fresh start ang kaibigan ay nanguna rin si Donita sa pagbili ng mga gagamitin ni Super Tekla sa kanyang condo unit.

Credit: Donekla In Tandem YouTube

Hindi tuloy maiwasan ng netizens na hilingin din na mayroon silang isang kaibigan na katulad ni Donita Nose.

Nagkakaisang sambit nga nila, “sana all” daw mayroong isang Donita Nose sa kanilang buhay.
Narito ang ilang komento ng netizens:

“Everyone wants a Friend like Donita”

“Donita nose is such a good friend…you are such a lucky person tekla just keep on going…”

Credit: @donitanose Instagram

“True friends will never leave you during you best and your worst.”

“Tekla is so blessed having Donita as a friend. Donita stayed to be his friend despite of all what happened.”

“Donita is one of a kind and somewhat hard to find.”

https://www.youtube.com/watch?v=3tBxV4BwQgw