Maraming pagsubok na pinagdaanan ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli bago sila ikasal.

Sa kauna-unahang pagkakataon nga ay bukas na nagkuwento si Matteo sa kanyang relasyon at kasal kay Sarah.
Sa pinakabagong vlog ni “Ultimate Multimedia Star” Toni Gonzaga ay inamin ni Matteo na kahit binalot man ng maraming kontrobersiya ang pag-iisang dibdib nila ni Sarah ay itinuturing niya pa rin ito bilang isa sa mga pinakamasayang araw sa kanyang buhay.

Sa kanyang pakikipagkwentuhan kay Toni ay sinabi ni Matteo na hindi naging ‘smooth ride’ o madali ang relasyon nila ni Sarah bago sila maikasal.
Isa ngang dahilan dito ay ang hindi pag-apruba ng magulang ni Sarah sa kanilang relasyon.
Matatandaang naging laman ng mga balita ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo matapos nitong mag-eskandalo sa pribado at ‘secret wedding’ nila ni Sarah nitong February 20.

“Before we got married, grabe ‘yung ride namin. And of course, the ride never ends. But a week before lockdown we got married. Very small wedding. A week after was supposed to be our wedding with our friends. But the lockdown happened. Everything was planned,” kwento ni Matteo kay Toni.
Dagdag niya, “At the end of the day, it was a beautiful day of two people synergizing together and becoming as one. That was one of the best days of my life. It wasn’t perfect but I considered [it] the best day of my life.”

Ibinahagi rin ni Matteo ang ‘dream wedding’ niya at ni Sarah na sa kasamaang palad ay hindi nangyari.
Aniya, “Of course my dream was to really have a wedding-wedding. Actually a military wedding was my dream…with all of my relatives, friends [and] people who have been with me since day one. That was the wedding that I wanted. Her naman, very private. She really wanted it private, solemn with just family and loved ones wedding.”
Hindi naman daw nawawalan si Matteo ng pag-asa na balang araw ay magkakasama sila sa isang hapag ng kanyang mga biyenan — kumakain at nagkwe-kwentuhan.

Sa katunayan, palagi umano niyang iniisip na balang araw ay magkakasundo sila ng magulang ni Sarah.
Aniya, “I imagine that all the time. Not just for me, but obviously, primarily for my wife, but also for my family, my parents. I believe our parents raised us up, worked so hard for us, that one day, they could marry a woman or man, and then two families combine… That’s our family’s dream. One day it will happen.”
Sa huli, gustong iparating ni Matteo sa kanyang mga biyenan na masaya sila ni Sarah sa kanilang buhay mag-asawa.

Aniya, “We are extremely happy. Sarah is beautiful. Sarah is amazing. Sarah is independent. She’s happy.”