Matteo Guidicelli, ipinakita na sa publiko ang mga sweet na letrato nila ni Sarah Geronimo na kinunan pagkatapos sila maikasal

Bago sila ikinasal noong February 2020 sa isang Christian wedding ceremony, maraming pagsubok muna ang hinarap nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Credit: @matteog Facebook

Isa na nga rito ang pagtutol ng mga magulang ni Sarah sa kanyang relasyon at pagpapakasal kay Matteo.

Gayunman, nanaig pa rin ang kanilang pagmamahalan dahil kahit hindi dumalo ang mga magulang ni Sarah na sina Divine at Delfin sa kanilang kasal ay natuloy pa rin ito.

Credit: @matteog Facebook

Ngunit napabalita naman na sumugod at nag-eskandalo umano ang Mommy Divine ni Sarah sa kasal nila ni Matteo. Matatandaang naging laman pa ng mga balita ang pagsuntok hindi umano ni Matteo sa bodyguard ni Sarah.

Pagkaraan naman ng mahigit isang taon, ipinakita ng Kapamilya couple sa marami at maging sa magulang ni Sarah na masaya sila sa kanilang buhay mag-asawa.

Credit: @matteog Facebook

Hindi rin maitatangging mas lalong naging matibay at matamis ang pagmamahalan nina Sarah at Matteo na makikita naman sa kanilang mga social media update.

Samantala, kahit hindi nasaksihan ng publiko ang pag-iisang dibdib nila ni Sarah, ibinahagi naman ni Matteo ang ilang sa kanilang sweet at intimate post-wedding pictures.

Kilig feels ang hatid ng mga retrato nina Sarah at Matteo kung saan ay sobrang sweet nilang dalawa. Bakas sa mukha nina Sarah at Matteo ang labis na kasiyahan na nagbigay din ng ngiti sa puso ng mga netizen.

Credit: @matteog Facebook

Bago kasi ang kanilang kasal ay hindi madalas mag-post sina Sarah at Matteo ng mga sweet at intimate photo nila kaya naman naghatid ng kakaibang kilig sa maraming netizens ang kanilang post-wedding pictures.

“My wife and I would like to share with you something very special we did right after our wedding,” caption ni Matteo sa kanyang Instagram post.

Credit: @matteog Facebook

Inihayag din ni Matteo na sobrang proud siya kay Sarah dahil sa mahusay na performance nito sa kanyang katatapos lamang na “Tala: The Film Concert”.

Pahayag ni Matteo, “I’m always super proud of you love. Congratulations for last nights show! INCREDIBLE! 💯 I love you so much. Thank you for being a “tala” to everyone’s lives.”

Credit: @matteog Facebook

Sa huli, pinasalamatan ni Matteo ang mga tao sa likod ng kanilang matagumpay na post-wedding photoshoot.

Aniya, “We would like to say thank you to the talented group of people that made this photoshoot happen back in 2020!”

Credit: @matteog Facebook

Taong 2014 nang kumpirmahin nina Sarah at Matteo ang kanilang relasyon.