Matteo Guidicelli, may nakakakilig na mensahe para sa kanyang asawang si Sarah Geronimo sa kanilang unang Wedding Anniversary!

Mula pa noon, walang palya ang Kapamilya hunk actor na si Matteo Guidicelli sa pagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa kanyang magandang asawang si Sarah Geronimo.

Credit: @matteog Instagram

Nito lamang February 20, sa kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa, muli na namang ipinahayag ni Matteo ang kanyang matinding pagmamahal kay Sarah.

Alam na yata ng marami na pagdating kay Sarah ay lumalambot ang puso ni Matteo. Isang napakatamis na mensahe nga ang isinulat ni Matteo sa Instagram upang batiin ang kanyang misis ng isang maligayang anibersaryo.

Credit: @matteog Instagram

Kalakip ng sweet message ni Matteo ang isang larawan nila ni Sarah kung saan makikita silang masaya kasama ang kanilang mga alagang aso.

Mensahe ni Matteo kay Sarah, “Love, HAPPY 1st year anniversary!! Look at our family! 🙂 Thank you for bringing joy in our home, you are the reason why I smile when we wake up.”

Credit: @matteog Instagram

Idinagdag pa niya, “You continue to inspire me everyday and I just love celebrating life with you. So proud of you my love! I love you forever. #proudhusband #blessed @justsarahgph”

Credit: @matteog Instagram

Samantala, marami at malalaking pagbabago ang naganap sa buhay nina Sarah at Matteo mula nang ikasal sila noong February 2020 sa isang lihim na kasal na tanging ang pamilya lamang ni Matteo at ang ilan sa kanilang mga kaibigan ang nakakaalam.

Credit: @matteog Instagram

Matatandaang isa ang kasal ng celebrity couple sa mga pinaka-kontrobersiyal na kasal noong 2020 matapos mapabalitang nag-eskandalo umano ang ina ni Sarah na si Divine sa kanilang kasal.

Hindi lihim sa publiko na ang mga magulang ni Sarah ay hindi sang-ayon sa kanyang relasyon at kasal kay Matteo.

Credit: @matteog Instagram

Ngunit ipinaglaban nina Sarah at Matteo ang kanilang relasyon at pagmamahalan kung kaya’t nauwi ito sa isang Christian wedding noong nakaraang taon.

Credit: @matteog Instagram

Taong 2014 pa nagsimula ang relasyon nina Sarah at Matteo. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga noong December 2020, inamin ni Matteo na bago nangyari ang kasal nila ni Sarah ay humarap muna sila sa maraming pagsubok.

Credit: @matteog Instagram

Ibinunyag pa ni Matteo na ‘military wedding’ ang kanyang dream wedding. Mas magiging masaya din umano si Sarah kung dumalo ang mga magulang nito. Gayunpaman, para kay Matteo, ang araw ng kanilang kasal ay isa pa rin sa pinakamasayang araw sa kanyang buhay kahit na hindi umano ito naging perpekto.

Credit: @matteog Instagram

Sa nasabing panayam, inihayag din ni Matteo na hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makukuha niya ang pagtanggap na hinihiling niya ng maraming taon mula sa mga magulang ni Sarah.