Matteo Guidicelli, pinabilib ang netizens dahil sa kanyang “ice bath” routine matapos niyang sumabak sa isang matinding workout!

Isa sa mga nagsisilbing “fitspiration” ngayon ng marami ay ang Kapamilya hunk actor na si Matteo Guidicelli.

Credit: @matteog Instagram

Totoong hindi lang ang taglay na gwapong mukha ni Matteo ang kinahuhumalingan ng maraming fans kundi pati na rin ang kanyang fit na fit na pangangatawan.

Sino nga ba naman ang hindi gustong magkaroon ng napakagandang katawan na hindi lamang fit kundi healthy din?

Kaya naman madalas maging inspirasyon si Matteo para sa maraming netizens na gustong magbawas ng timbang o magkaroon ng isang magandang pangangatawan.

Credit: @matteog Instagram

Pero ano nga ba ang sikreto ni Matteo para mapanatiling fit ang kanyang katawan?

Base sa ibinahaging fitness tips at routines ni Matteo sa kanyang socmed, makikitang kayang-kaya naman ng lahat ang kanyang mga ginagawa kagaya ng pagkain ng masusustansyang pagkain, o healthy at balanced diet. Dagdag pa rito, ang regular na pag-eehersisyo.

Credit: @matteog Instagram

Talagang simple lamang ang ginagawa ni Matteo para ma-achieve ang isang fit na fit na katawan maliban sa isa!

Kamakailan lang, ibinunyag ni Matteo sa kanyang Instagram account ang isa sa mga nakagawian niyang gawin tuwing umaga at pagkatapos niyang sumabak sa isang matinding workout na talaga namang nakakabilib. At ito nga ay ang pagbabad sa kanyang katawan sa isang drum na puno ng yelo.

Sa isang video, makikitang matapang na lumusong si Matteo sa isang drum na mayroong napakalamig na tubig kung saan nga ay puno ito ng yelo.

Kwento ni Matteo, ang pagbabad sa isang napakalamig na tubig ay nakakatulong para mas madaling maka-recover hindi lamang ang kanyang katawan kundi maging ang kanyang isip mula sa matinding pag-eehersisyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

“Sharing with you guys my morning routine. After a good hard training session, I like to jump in the ice tub. This helps the mind and body to relax and recover! STAY HARD my friends,” sabi ni Matteo.

Aminado naman si Matteo na hindi madaling gawin ang “ice bath” lalo na sa umpisa dahil masakit talaga umano ito “physically and mentally.”

Nakahanap naman daw siya ng paraan o technique upang pahabain ang kanyang endurance sa napakalamig na temperatura ng tubig.

Credit: @matteog Instagram

Giit pa ni Matteo, unti-unti niyang nabi-build ang endurance niya sa tubig na puno ng yelo “with proper breathing and relaxation techniques” kung saan nagsimula umano siya ng 1 minutong pagbabad dito hanggang sa ngayon nga ay kaya niyang tumagal na nakababad dito ng 10 minuto.

“I started with 1 minute, I’ve worked my way up to 10 minutes in here, With proper breathing and relaxation techniques. At first it hurt physically and mentally but that’s the whole point of it, to embrace the pain. I try to do the ice bath everyday after our intense workout sessions to recovery my body for the next days session,” ani Matteo.