Tunay ngang mayroong sariling paraan ng pag-uunbox o pagbubukas ng mga nabili niyang bagay ang aktor na si Matteo Guidicelli na para sa karamihan ay kakaiba at malayo sa nakaugalian.

Sa isa na namang unboxing vlog, ginulat ni Matteo ang maraming netizens. Umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang pag-uunbox ni Matteo sa nabili niyang Sony PlayStation5.
Maraming tao ang nawiwili at talaga namang naghahangad na magkaroon ng kanilang sariling gaming console kaya naman hindi nila inaasahan ang paraan ng pagbubukas ni Matteo sa kanyang PS5.

“I’m sure you guys are expecting this moment to come,” simula ni Matteo sa kanyang vlog.
Malayo sa nakaugalian ng marami kapag nagbubukas sila ng isang mamahaling gaming console, walang takot na itinapon lamang kay Matteo ang kahon ng PS5.

Marami rin ang nabigla sa sumunod na ginawa ni Matteo. Sa halip kasi na dahan-dahang buksan ang kahon ay bigla niya itong pinunit.
Isa-isa ring hinulog ni Matteo sa bermuda grass ang ilan sa mga equipment o part ng PS5 tulad na lamang ng cord, controller at stand.

Ang mas nakakagulat pa ay pinatalbog ni Matteo ang mismong PS5 console sa lamesa. Tila nakahinga naman ang marami nang sabihin ni Matteo na ‘sh0ck absorbant’ ang lamesa kaya hindi masisira ang PS5.
Umani nga ng samu’t saring komento mula sa mga nakapanood ang paraan ng pagbubukas ni Matteo sa kanyang PS5.
Dahil sa kakaibang pagbubukas ni Matteo sa kanyang PS5 kaya naman marami ang tila ‘tr!ggered’ sa kanyang ginawa.

Kung titingnan online, nagkakahalaga ng mahigit 20,000 piso ang isang PS5. Marami rin ang naghahangad na makabili ng isang PS5 kaya nga lang mabilis itong maubos at talaga namang nakakabutas ng bulsa ang presyo.
Maging ang sikat na komedyante na si Michael V. ay nag-react sa unboxing video ni Matteo. Mukhang may gusto pang sabihin ang komedyante ngunit tila pinigilan niya ang kanyang sarili at nagkomento na lamang ng, “Umm… never mind”.

Marami naman ang tila naasar at nas@ktan sa paraan nang pagbubukas ni Matteo sa kanyang PS5.
Ilang netizens naman ang nagsabi na ginawa ni Matteo ang unboxing video para lamang mang-in!s. Komento nila:
“Matteo really doing it in purpose to p!ssed y’all”
“HAHAHAHAHAHAHAHAAAH nangaas@r nalang si mateo eh”
“I think this time he’s doing messy unboxing on purpose”
Samantala, may ilan naman ang nagkomento na karapatan ni Matteo na gawin ang gusto niyang gawin dahil pera naman niya ang ipinambili niya sa nasabing gaming console.
Sa panahon na isinusulat ito, umabot na sa mahigit 900K ang nakuhang views ng PS5 unboxing video ni Matteo. Mas marami naman ang nakuhang “dislike” ng video kaysa “like”. Sa ngayon, mayroon nang 17K likes at 29K dislikes ang unboxing video ni Matteo.