Max Collins at Pancho Magno, ipinaliwanag kung bakit hiwalay nilang ipinagdiwang ang unang karaawan ng anak na si Baby Skye

Isa si Max Collins at Pancho Magno sa mga kilalang couples sa GMA Network. Bukod sa kagandahan at kagwapuhan ay pareho rin silang mahusay sa pag-arte. Una silang nagkakilala sa acting workshop sa kinabibilangang network hanggang sa nagkahulugan sila ng loob at naging opisyal nga na magkasintahan.

Matapos ang mahigit apat na taon bilang magkasintahan ay napagdesisyunan ni Max at Pancho na magpakasal noong December 2017 sa Pasay City. Taong 2019 naman nang nabiyayaan ang lovely couple ng anak na pinangalanan nilang si Skye Anakin.

Credit: @maxcollinsofficial Instagram

Masaya naman si Max at Pancho sa kanilang pagsasama lalo na nang dumating si baby Skye sa kanilang buhay. Isa sila sa mga pamilya sa mundo ng showbiz na talagang sinusubaybayan at tinututukan ng mga netizen, especially ng kanilang mga fans.

Miyerkules, July 7 ngayong taon nang tumungtong ang anak ni Max at Pancho sa edad na 1-year-old. Sa celebration para sa anak ay ipinagdiwang ni Max at Pancho ang birthday ni baby Skye ng magkahiwalay.

Credit: @maxcollinsofficial Instagram

Sa post ni Max sa kanyang Instagram ay makikita ang mga larawan ng anak na nakasuot ng racing suit. Nagkaroon si Max ng pang-racing na tema para sa birthday party ng anak sa Hilton Hotel sa Pasay City.

“Happy 1st birthday my little racer! Thank you @hiltonmanila for hosting this celebration and taking such good care of us!” pahayag ni Max sa kanyang caption.

Present din sa birthday ni baby Skye ang mga kaibigang celebrities ng kanyang Mommy Max na sina Michelle Dee, Janina Manipol, at Rhian Ramos.

Credit: @maxcollinsofficial Instagram

Nagkaroon din ng ibang celebration si Pancho para sa kaarawan ng anak na may temang Star Wars. Sa kanyang Instagram ay nag-upload siya ng maraming pictures at videos sa anak na talagang kinagiliwan ng kapwa celebrities at fans.

Hindi nabanggit ng aktor kung kailan at saan sila nag-celebrate pero ayon sa mga larawang kanyang ibinahagi ay masasabing naganap ang celebration sa bahay lamang nito sa Quezon City.

Credit: @magnopancho Instagram

“Happy First Birthday to our Jedi Master! We love you❤,” sulat ni Pancho sa kanyang caption.

Hindi rin mapigilan ng netizens ang magtaka kung bakit magkahiwalay na nag-celebrate si Max at Pancho sa birthday ng anak. Dahil dito ay umugong ang mga balita na hiwalay na ang dalawa at maraming fans ang nalungkot dito.

Credit: @magnopancho Instagram

Sa interview sa chika minute ay sinagot ni Max at Pancho ang mga haka-haka na hiwalay na sila dahil sa hiwalay na selebrasyon ng kaarawan ng anak.

Ikwinento ni Max, “My friends surprised me with such a cute party for Skye and it was really super fun. It was just unfortunate that Pancho couldn’t make it at that time but he had his own party while I was at work.”

Sinabi naman ni Pancho, “Nagkataon lang talaga na may work kami pero meron naman kaming tatlo lang na hindi naman namin kailangan ano eh… may work lang talaga kami.”