Maxene Magalona, ibinahagi ang sobrang kasiyahan nang mapansin ng kanyang iniidolong aktres

Bibihira lamang ang pagkakataon na mapansin ng iyong idol at isa si Maxene Magalona sa mga masusuwerteng fans na napansin ni Jennifer Aniston!

Credit: @maxenemagalona Instagram

Kilala si Maxene Magalona bilang isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz. Nanggaling sa pamilya ng mga celebrity, hindi na palaisipan kung bakit ganoon na lamang kalaki ang impluwensya ng aktres sa showbiz.

Maganda at may talento pagdating sa pag-arte at pagkanta, malapit na sa salitang “perfection” si Maxene. Sa kabila ng pagiging sikat na personalidad sa showbiz, may mga iniidolo at hinahangaang mga artista pa rin si Maxene at isa na nga sa mga ito ay si Jennifer Aniston, isang aktres sa Hollywood.

Credit: @maxenemagalona Instagram

Ilang taon naman ang nakakalipas simula nang ipinalabas ang sikat na series na “FRIENDS,” talagang tinututukan at inaabangan ito ni Maxene upang mapanood lamang ang kanyang idol na si Jennifer na siyang gumaganap sa karakter ni Rachel Greene.

Credit: @maxenemagalona Instagram

Kamakailan lamang nang ibinahagi ni Maxene sa kanyang Instagram account ang screenshot kung saan ay napansin at nag-iwan ng simpleng “heart” emoji si Jennifer Anison sa isang post ni Maxene.

“Jennifer Aniston has forever been my queen ever since I started watching Friends many years ago. It instantly became my favorite show and Rachel Greene was, without a doubt, my hero,” pahayag ni Maxene.

Credit: @maxenemagalona Instagram

Talaga naman napakasarap sa feeling kapag sa wakas ay nabigyan ka ng pansin ng taong labis mong iniidolo at hinahangaan.

Ayon kay Maxene, dahil sa kanyang paghanga kay Jennifer Aniston at dahil sa nagagandahan siya sa sikat na aktres, natuwa siya nang sa wakas ay maaari na siyang magkaroon ng magandang buhok katulad sa kanyang idol.

Credit: @maxenemagalona Instagram

“Everyone wanted to be Rachel. Everyone wanted to have Rachel’s hair! Now, thanks to @lolavie we can finally have hair just as glorious and lovely as Rachel’s!” excited na aniya.

Kapag may iniidolo tayo, gusto natin silang gayahin dahil lahat ng mayroon sila ay talaga namang nakakahanga. Mula sa walang-sawang panonood ng paboritong show kung saan ay isa sa mga bumibida ay ang iniidolo ng aktres, sa paggaya sa kagandahan ng buhok nito hanggang sa napansin ni Jennifer Aniston— lahat ng ito ay “dream come true” para kay Maxene Magalona.

Credit: @maxenemagalona Instagram

Marami namang kapwa Pinoy celebrities ang nagulat at nagkomento sa post ni Maxene kabilang na sina Bea Alonzo, Sue Ramirez, Angelica Panganiban, at marami pang iba na pare-parehong may malaking paghanga para kay Jennifer Aniston.