Maxene Magalona, ikwenento ang mga pagbabagong idinulot ng pagiging vegan niya

Noong nakaraang buwan ay ipinagdiwang natin ang ‘National Women’s Month’ kung saan ang mga kababaihan mula sa lahat ng antas ng lipunan ay binigyan ng pagkilala para sa kanilang natatanging kontribusyon sa lipunan.

Credit: @maxenemagalona Instagram

At ang isa sa mga kababaihan na may malaking impluwensiya sa lipunan at nagbibigay inspirasyon sa marami dahil sa kanyang adbokasiya ay ang panganay sa walong anak ng pumanaw na Filipino rap icon na si Francis Magalona.

Sa ngayon si Maxene at ang kanyang asawang modelo na si Robbie Mananquil ay isinusulong at hinihikayat ang lahat na mamuhay ng “healthier lifestyle” sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkain na hindi nagmula sa mga hayop o paggamit ng mga produkto na hindi gawa sa hayop o pagiging “vegan”.

Credit: @maxenemagalona Instagram

Noong March 30, ibinida ang kwento ni Maxene sa Facebook page na “What On Earth” kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang journey bilang isang vegan.

Ikwenento rin ni Maxene ang mga pagbabago na nangyari sa kanyang buhay simula nang maging isang vegan siya.

Ayon kay Maxene, nagsimula ang kanyang journey noong October 2019 pagkatapos nilang matapos ni Robbie ang kanilang yoga teacher training course sa Koh Phangan, Thailand.

Sa kanyang pag-aaral ay nadiskubre ni Maxene ang “ahimsa” na isa mga moral code ng yogic philosophy.

Credit: @maxenemagalona Instagram

Ang “ahimsa”, aniya, ay isang klase ng pilosopiya kung saan ipina-practice natin ang klase ng pamumuhay na “non-violence” o namumuhay tayo na hindi nakakapinsala o nagiging dahilan ng pagdurusa ng iba pang mga nabubuhay.

Sinabi rin ni Maxene na naunawaan niya kung bakit may ilang tao na piniling maging vegan pagkatapos niyang matutunan ang “law of karma” at kung paanong ang karahasan ay may kalakip na “karmic consequences.”

Credit: @maxenemagalona Instagram

Para naman kay Maxene, labis na nakatulong sa kanya ang pag-aaral ng yoga para mas maintindihan niya ang daloy ng buhay. Nagdesisyon na rin si Maxene na itigil ang pagsuporta sa mga kumpanya na kumikita mula sa sakit at hirap ng ibang nabubuhay.

Sa ngayon ay nagpapasalamat si Maxene sa magandang epekto na naidulot sa kanyang buhay ng veganism.

Credit: @maxenemagalona Instagram

Aniya, “It’s been more than a year since I made the transition and I honestly couldn’t be more grateful for this healthy and conscious lifestyle.”

Hangad naman ni Maxene na marami pang tao ang mag-switch na sa veganism lifestyle.

Ani Maxene, “I hope more people can make the switch to veganism as well so that we can not only live a healthier lifestyle but more importantly, help conserve the planet’s resources and save the lives of our animal friends.”

Credit: @maxenemagalona Instagram

Dagdag niya, “In my own small way, I use my online platform to raise awareness about the wonders of living a vegan and conscious lifestyle…”