“May batang tisay na hindi makapaghintay”: Video ng anak ni Pokwang na si Malia, kinagiliwan ng maraming netizens

Ang mga bata ang numero unong tao na labis na nasasabik na ipagdiwang ang Pasko. Anila, ang Pasko nga raw ay panahon ng mga bata.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Para sa ilang bata, ang Pasko ay nangangahulugang pagtanggap ng mga regalo. Isa nga sa mga bagay na kinagigiliwan at inaabangan ng bawat bata tuwing sasapit ang Pasko ay ang pagbubukas ng kanilang mga regalo.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Ngunit sa sobrang excited ng ilang bata ay gusto na nilang buksan ang kanilang mga regalo kahit hindi pa Pasko.

Katulad na lamang ng napakabibong anak ng TV host-comedian na si Pokwang na si Malia o kilala rin sa kanyang palayaw na “Tisay”.

Labis na kinaaliwan ng maraming followers ni Pokwang sa Instagram ang video ni Malia kung saan ay mapapanood siyang naghihintay sa tabi ng kanilang Christmas tree kung saan nakalagay ang mga nakabalot na Christmas gift ng kanilang pamilya.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Kagaya ng ilang bata ay mukhang hindi na rin makapaghintay si Malia na buksan ang mga regalo. Sa video ay maririnig si Pokwang na sinasabihan si Malia na maghintay hanggang mag-Pasko bago buksan ang mga regalo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Tila nalungkot naman si Malia dahil sa sinabi ng kanyang Mommy Pokwang base na rin sa kanyang reaksyon . Bukod pa rito, kita rin sa kanyang mukha ang kasabikan na buksan na ang mga regalo.

“may batang tisay na hindi makapaghintay hahahaha atat na neng?,” ani Pokwang sa caption ng Instagram video.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Umani naman ng libo-libong likes mula sa mga netizen ang video ni Malia na inupload ni Pokwang.
Sa ngayon ay mahigit 170K na ang nakuhang likes nito sa Instagram.

Samantala, mukhang sulit naman ang paghihintay ni Malia sa kanyang regalo. Makikita kasi sa sumunod na video na inupload ni Pokwang na ini-enjoy ni Malia ang natanggap niyang regalo na isang make-up.

Bata pa lang ay kapansin-pansin na ang pagiging ‘kikay’ ni Malia.

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Happy naman si tisay @malia_obrian sa natanggap nyang regalo hahahhahaa halata ba?,” saad pa ni Pokwang sa caption ng video ni Malia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Narito naman ang ilang komento ng netizens:

“Hahaha ang cute prng un apo ko.. Paturo ka kay tito Paulo mg.makeup”

“pag dating ng panahon pag nakita nya tong vid na toh tatawanan lang nya ang mga pinag gagawa nya😀”

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Ang kulit! Kanino kaya nagmana?😜”

Si Francine Malia ay anak ni Pokwang sa kanyang hollywood actor partner na si Lee O’Brian.