Confirmed! May nagpapasaya na nga kay Maymay Entrata!
Credit: @maymay Instagram
Alam naman ng karamihan na sobrang complicated ng buhay sa loob ng showbiz kaya kahit na’y gustong ibahagi ng celebrities sa kanilang fans ang mga kaganapan sa kanilang buhay, nais naman ng iilang artista na panatiling pribado ang piling events upang ma-enjoy ang kanilang privacy.
Isa si Maymay Entrata sa mga PBB Big Winners na nagtagumpay sa mundo ng showbiz. Dahil sa kanyang hindi matatawarang galing kung acting lang naman ang pag-uusapan, tila’y naging madali lamang para sa kanya na makabuo ng successful at malaking pangalan sa showbusiness bilang isang aktres.
Dahil sa chemistry nila ng housemate na si Edward Barber mula pa man ‘nung nasa loob pa sila ng bahay ni Kuya, naging successful ang kanilang tambalan sa showbiz na kung tawagin ng kanilang fans bilang MayWard.
Credit: @maymay Instagram
Maliban sa pag-aartista at pakikipagtambalan ni Maymay kay Edward Barber, nagawa rin ng aktres na makabuo ng sariling pangalan sa mundo ng modeling. Dahil sa kanyang talento sa pagmo-modelo at pagrampa, minsan na ring naimbitahan si Maymay sa iilang international na fashion shows. Bukod dito, isa ring sikat na endorser si Maymay!
Mula sa pagiging normal na estudyante sa college, itinanghal bilang Big Winner sa PBB hanggang naging matagumpay na aktres at modelo, talagang sobrang layo na ng narating ni Maymay! Sa edad na 24, isa siya sa mga matagumpay na aktres sa kanyang generation.
Of course, sa kasikatang tinatamasa ni Maymay, alam na alam ng kanyang fans ang personal niyang buhay kahit ang kanyang buhay pag-ibig. Ngunit ilang ulit naman na niyang nilinaw sa publiko na walang namamagitan sa kanila ni Edward Barber o kay Donny Pangilinan na matatandaang na-link din sa aktres.
Credit: @maymay Instagram
Sa parehong interview, inamin din ni Maymay na may taong nagpapasaya sa kanya at hindi umano ito kabilang sa showbiz dahilan kung bakit mas nabuhay pa ang kuryosidad ng kanyang fans.
“Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso at nawa’y kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po yun ng aking mga taga-suporta,” pag-amin niya.
Matapos ang iilang hints, sa wakas ay nagkaroon na rin ng jowa reveal si Maymay sa Instagram ngayon lamang Lunes, February 14.
“Happy Birthday my Valentino ♡,” sulat niya sa kanyang caption kalakip ng sweet na larawan nila ng boyfriend.
Credit: @maymay Instagram
Masasabi naman sa looks na isang foreigner ang boyfriend ni Maymay at tunay nga na hindi kabilang sa showbiz. Mapapansin naman sa ngiti ng aktres na sobrang masaya at kuntento siya ngayon sa piling ng kanyang kasintahan, isang bagay na talagang ninanais ng kanyang fans para sa kanya.