Maymay Entrata, muling pinabilib ang mga netizen sa kanyang mga letrato para sa isang magazine

Muling bumilib ang mga netizen sa husay ng PBB Lucky Season 7 Big Winner na si Maymay Entrata sa kanyang cover ng Mega Magazine.

Credit: @maymay Instagram

Tatlong makukulay at naggagandahang mga larawan ang ibinahagi ni Maymay sa kanyang Instagram para sa cover ng April issue ng nasabing magazine.

Sa unang larawan, makikita ang mga salitang “color your world” na sinasabing sumasalamin kay Maymay sa ikalimang taon nito sa industriya.

“In her 5th year in the industry,#MaymayEntrata picks up the brush and creates a new art piece that is a reflection of the new Maymay: “ I accepted na hindi lahat ng tao mapapasaya ko. The only ones I really need ay ‘yung mga taong tanggap ang buong pagkatao ko,” caption sa nasabing IG post.

Credit: @maymay Instagram

“Faith-driven, confident and independent, Maymay is ready to color her own world in her own terms,” dagdag pa sa caption nito.

Ang ikalawang larawan naman ay may caption na, “Love and compassion can be the catalysts to creation. For #MaymayEntrata, gaining self-love and a renewed passion for her craft created an environment that allowed her to flourish in all things she does.”

Credit: @maymay Instagram

Ibinahagi ni Maymay ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili na nagbubunga ng maganda sa lahat ng kanyang ginagawa.

Ang ikatlong larawan naman ay kapansin-pansin at nagpatingkad sa husay ni Maymay sa pagmomodelo na lubos na hinangaan ng mga netizen.

Credit: @maymay Instagram

“Philippine fashion soars into new heights as we put the focus on five design talents. @maraxchua’s powerfully feminine pieces, @rusellvtv’s punk alien-like headpieces, @jessanmacatangay’s fashion-forward suiting, @jangarciadesigns cultural neons and @ jobdacons whimsical creations are the spotlight of our last cover story,” caption sa IG post na binanggit ang limang talento sa likod ng nasabing larawan.

“Together with #MaymayEntrata’s modelling prowess, these designers are raring to express their art pieces to the world,” dagdag pa sa nasabing caption.

Credit: @maymay Instagram

Tunay na maipagmamalaki ang mga talentong Pilipino na handang-handa nang makipagsabayan sa ibang bansa sa tulong na din ng mga modelong tulad ni Maymay na ayon nga sa kanya ay mula na din sa kanyang limang taon sa industriya at pagkakataong matutuhang mahalin ang sarili na pinagmulan ng tagumpay sa anumang kanyang tinatahak.