Maymay Entrata, pinatunayang bukod sa showbiz ay achiever din siya sa eskwelahan

Karamihan sa mga artista sa industriya ng showbiz ngayon ay kumikita na ng malaki at hindi na nakakaramdam ng pangangailangan na makapagtapos pa ng pag-aaral ngunit mayroon naman sa kanilang determinado pa rin na makakuha ng degree sa kolehiyo.

Credit: @maymay Instagram

Simula nang nanalo sa reality show na “Pinoy Big Brother,” napagdesisyunan ni Maymay na pasukin ang mundo ng showbiz at i-pursue ang pangarap niyang maging artista. Dahil sa kanyang magaan na personalidad at kahusayan sa larangan ng pag-arte, talagang naging madali lamang para sa aktres na makilala ng karamihan.

Sa katunayan, patuloy na dumadami ang kanyang fans at ngayon ay kilala bilang isa sa mga sikat na aktres sa kanyang henerasyon.

Sa kabila ng kasikatang tinatamasa niya ngayon, malaki pa rin ang pagpapahalaga ni Maymay sa kanyang edukasyon.

Taong 2019 nang ipinagdiwang ng Knowledge Channel ang ika-20 taon nilang pamamayagpag sa lokal na telebisyon at isa nga si Maymay sa mga host ng ikaapat na season ng “Puno Ng Buhay” kasama si Khalil Ramos. Sa ginanap na presscon, ibinahagi ng aktres ang buhay niya noong siya’y isang estudyante pa lamang.

“Sa academy naman po, average lang ako. Average pero nagstu-study para mas marami pang natutunan. Tsaka ‘pag nagstu-study po ako, for example bukas po ang exam, nagstud-study ako late na kasi doon ako natututo. Hindi ko alam bakit. Doon ko binabaon lahat,” saad ng aktres.

Credit: @maymay Instagram

Matagumpay man ngayon sa kanyang career, nais pa rin ni Maymay na makapagtapos ng pag-aaral. Matapos ang ilang taon niyang pagpaplano at kagustuhang makabalik sa pag-aaral, maayos naman niyang nababalanse ang kanyang oras at priorities na talaga namang isa sa mga dahilan kung bakit lumalawak pa ang kanyang fandom.

Matapos ibahagi ni Maymay ang screenshot ng official na anunsyo ng kanyang university sa mga pangalang nakatungtong sa Third Honor sa kursong Technology Communication Management sa kanyang IG story, kaagad na kumalat ito sa social media at pinagkaguluhan ng netizens.

Credit: @maymay Instagram

Proud sa achievement ng kanilang iniidolong aktres, hindi napigilan ng karamihan sa fans ni Maymay na i-repost sa kani-kanilang sariling account ang screenshot na ibinahagi ng aktres.

Talagang pinatunayan ng aktres na hindi lamang siya magaling sa pag-arte dahil tunay din na kahanga-hanga ang kanyang performance bilang isang estudyante sa college!