Mayor Vico Sotto, game na game na nakipagbiruan kay Alex Gonzaga nang bisitahin siya sa kanyang opisina

Napuno ng katatawanan at masayang biruan ang pagbisita ng sikat na vlogger na si Alex Gonzaga sa batang alkalde ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto.

Credit: Alex Gonzaga Official YouTube

Sa latest vlog ni Alex sa kanyang YouTube channel, mapapanood ang pagbisita niya sa munisipyo ng Pasig City kung saan ay naka-kwentuhan nga niya ang tumatayong alkalde ng lungsod na si Mayor Vico.

Ipinasyal ng Alkalde si Alex kung saan ay pinuntahan nila ang ilan sa mga departamento na matatagpuan sa loob ng walong-palapag na munisipyo.

Credit: Alex Gonzaga Official YouTube

At habang ipinapakita ni Mayor Vico ang mga opisina sa loob ng munisipyo, maraming tanong naman na ibinato si Alex sa kanya.

Sa simula, tinanong ni Alex si Mayor Vico kung ano ang nagtulak sa kanya para tumakbo bilang isang alkalde.

Sinagot naman ni Mayor Vico si Alex at sinabing kaya siya tumakbo sa pagka-alkalde ay dahil nakakita siya ng oportunidad na makagawa ng pagbabago sa lungsod ng Pasig kung siya ay magiging alkalde.

Ani Mayor Vico, “Ito ‘yung nakita kong opportunity na magpakilala ng pagbabago sa lungsod natin.”
Dagdag pa ng alkalde, “Ever since bata ako gusto ko nang magtrabaho sa gobyerno.”

Credit: Alex Gonzaga Official YouTube

Tapat na sinagot din ni Mayor Vico si Alex nang tanungin siya nito kung pumapatol ba siya sa mga namba-bash sa kanya.

“Minsan, pero dapat di ka masyadong maapektuhan. Pero sa isang banda, naniniwala ako, dapat as a public servant, tinitignan ko din ‘yung feedback,” sagot ni Mayor Vico.

At nang tanungin kung ano ang pakiramdam na maging anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, sinabi ng Alkalde na masuwerte siya dahil mayroon siyang mga magulang na ‘very supportive’.

Credit: Alex Gonzaga Official YouTube

Ani Mayor Vico, “Very supportive naman sila sa akin. Medyo natakot sila para sa akin pero kahit ganun yung feeling nila, talagang very supportive sila. Masuwerte ako dahil ‘yung parents ko very down to earth din.”

Tila nabigyan naman ng kasagutan ang matagal nang tanong ng mga kababaihan matapos na walang paligoy-ligoy na sinagot ni Mayor Vico ang tanong ni Alex kung may plano ba siyang bigyan ng “first lady” ang lungsod.

Ayon sa 31-taong gulang na Alkalde, hindi pa niya prayoridad sa ngayon ang paghahanap ng “first lady”.

Credit: Alex Gonzaga Official YouTube

Ani Mayor Vico, “Sa ngayon, hindi naman priority ‘yan. Lalo na nu’ng [email protected] talagang wala ka nang time. Focus muna tayo sa trabaho.”

Sa huli, humanga si Alex kay Mayor Vico lalo nang ipaliwanag nito kung bakit hindi siya mahilig maglagay ng kanyang larawan sa tuwing may proyekto siya para sa lungsod.

Paliwanag ni Mayor Vico, “Hindi ako mahilig [na maglagay] ng picture ko. Atsaka, kapag project ng LGU bawal na maglagay ‘yung malaking pangalan ko kasi pera ng taong bayan ‘yun eh…Ang ibig ko lang sabihin wala tayong utang na loob sa mga politiko.”