Mayor Vico Sotto, nakatanggap ng isang sweet birthday message mula sa bunsong kapatid na si Tali

Masayang nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang isa sa mga binansagang batang alkalde ng bansa na si Mayor Vico Sotto nitong June 17.

Credit: @vicosotto Instagram

At para sa kanyang ika-32 kaarawan isang espesyal na singing performance ang inihandog sa kanya ng kanyang bunsong kapatid na si Tali.

Sa mga hindi nakakaalam, si Tali ay ang nakababatang kapatid ni Vico sa kanyang amang si “Eat Bulaga” host ‘Bossing’ Vic Sotto.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Makikita nga sa maikling video na inupload ng “Eat Bulaga” Facebook page, ang nakakatuwang pag-awit ni Tali ng “Happy Birthday” song sa kanyang Kuya Vico.

Limang beses na inulit ni Tali ang linyang “Happy Birthday, Kuya Vico.” Pagkatapos naman ng kanyang pag-awit ay isang sweet birthday message ang ibinahagi ni Tali para sa kanyang Kuya Vico na sinamahan pa niya ng flying kiss sa huli.

Ani Tali, “Hi, Kuya Vico. Happy Birthday. God bless! [flying kiss].”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Umaapaw naman ang good vibes na hatid ng napaka-cute at nakakaaliw na pag-awit ni Tali ng Happy Birthday para sa kanyang Kuya Vico.

Maraming netizens ang naaliw at na-touch sa ka-sweetan ni Tali sa kanyang nakakatandang kapatid. Komento ng ilang netizens:

“Galing ni Tali”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“ang galing galing naman kumanta ni tali at sobrang cute”

“Galing naman kumanta ni tali HBD mayor vico”

“Bebe pakagat naman ako sayo kakagigil eh cute cute naman talaga”

“Aaaahhh so sweet”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa kasalukuyan, lagpas 500K na ang netizens na nakapanood sa naturang video ni Tali wala pang isang araw mula nang ibahagi ito ng “Eat Bulaga” Facebook page. Mayroon na rin ito ngayong 30K reactions sa Facebook.

Matatandaang sumikat si Mayor Vico dahil sa kanyang magandang pamamahala bilang alkalde ng Pasig City lalo na ngayong panahon ng p@ndemya.

Maliban naman sa pagiging pulitiko, sikat na sikat din siya sa maraming kababaihan dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan na hindi maipagkakailang nakuha naman niya sa kanyang mga magulang na kapwa mga artista.

Credit: @vicosotto Instagram

Sa mga hindi nakakaalam, si Mayor Vico ay anak ni Vic sa veteran actress na si Coney Reyes. Maliban kay Tali ay may kapatid din ni Mayor Vico ang aktor na si Oyo Boy Sotto at aktres na si Danica Sotto-Pingris.