Kung noon ay palaging pinapakilig ang fans sa kanilang nag-uumapaw na chemistry, ngayon naman ay magkahalong emosyon ang ipinaramdam nina Elisse Joson at McCoy de Leon nang isinuwalat sa publiko ang kanilang magandang balita.
Credit: @elissejosonn Instagram
Isa lamang sina Elisse at McCoy sa mga taong pinagtagpo ng tadhana. Unang nagkakilala sa Pinoy Big Brother noong taong 2016, marami na ang nakapansin sa chemistry ng dalawa habang namamalagi sa loob ng bahay ni Kuya. Hindi naman nagtagal, nahulog din ang kanilang loob sa isa’t-isa na siyang naging umpisa ng kanilang love story.
Of course, sa ilang taong pagsasama bilang magkasintahan, hindi naging madali para sa kanila ang lahat. Marami na rin silang pinagdaanang problema na patuloy na sinusubok ang kanilang relasyon at minsan na rin na nagkahiwalay.
Credit: @elissejosonn Instagram
Nagkalabuan at humantong man sa hiwalayan, muli namang nahanap nina Elisse at McCoy ang isa’t-isa at nagkabalikan upang maipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan.
Nang dumating ang p@ndemya, napansin ng netizens ang pagiging tahimik ng dalawa sa showbiz. Ngunit katulad na lamang ng kapwa nila celebrities, hindi kailanman sumagi sa isipan ng netizens ang pagbubuntis ng aktres sa anak nila ni McCoy at ayon sa karamihan, mas pinagtutuunan lamang nila ng pansin ang isa’t-isa.
Credit: @elissejosonn Instagram
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, sa mga buwang nananahimik ang couple, ipinagbubuntis na pala ni Elisse ang kauna-unahang baby nila ni McCoy!
Sa pagbisita ni McCoy at Elisse sa bahay ni Kuya kung saan ay ibinahagi nila ang magandang balita, hindi napigilan ng netizens ang magulat dahil wala namang kahit anong rumor tungkol sa pagbubuntis ng aktres sa nagdaang mga buwan.
“Kuya, kami po ni McCoy… meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl,” saad ni Elisse.
Credit: @mccoydeleon Instagram
Matapos ang kanilang nakakagulat na rebelasyon, inalok nila si Kuya tungkol sa pagiging Ninong nito sa kanilang anak na si baby Felize.
Ayon kay Elisse, sa bahay ni Kuya umano nila naisipang unang ibahagi ang napakalaki nilang balita dahil dito umano nag-umpisa ang lahat.
Credit: @mccoydeleon Instagram
“Naisip po namin na dito kami nagsimula, sa bahay po ninyo and malaki po ang utang na loob namin,” ayon kay Elisse.
Pagpapatuloy naman ni McCoy, “Habang-buhay po namin na dadalhin po iyon. Alam namin na hindi expected pero itong programa na ito ang nagtadhana sa amin papunta dito, family na kami.”
Credit: Pinoy Big Brother YouTube
Ginulantang man ang kapwa celebrities at netizens sa kanilang rebelasyon, marami naman ang humanga sa pagiging responsable nina Elisse at McCoy bilang mga magulang.