Megan Young at Mikael Daez, “fresh” ang naging pagsisimula ng bagong taon sa paglipat nila sa kanilang bagong bahay

Masayang ibinahagi nina Kapuso couple Megan Young at Mikael Daez na tuluyan na nilang iniwan ang kanilang condo unit na nagsilbing unang tahanan nila bilang mag-asawa.

Credit: Megan Young Instagram   

Para kina Megan at Mikael, ang paglipat sa isang bagong bahay ay isang magandang hakbang para simulan ang kanilang Bagong Taon.

“Fresh start” ngang maituturing ng celebrity couple na nagdiwang kamakailan ng kanilang 1st wedding anniversary ang paglipat sa isang bagong bahay.

Credit: Megan Young Instagram

“Our move out is 95% complete with several days to spare! We planned super early and made sure to not over work ourselves during each moving day,” pahayag ni Mikael sa Instagram.

Ayon naman sa beauty queen, nakakaramdam sila ng lungkot ni Mikael sa pag-alis nila sa kanilang condo dahil ito ang unang bahay na tinirhan nila bilang mag-asawa.

Gayunpaman, masaya naman raw sila ni Mikael dahil lilipat sila sa isang lugar na matatawag nilang kanila.

Credit: Megan Young Instagram

Ani Megan, “Aaaaand we’re outta here!!! So sad to be leaving this place because it was our first home as husband and wife 🥺 but I’m happy we are moving to a place that we can finally call our own.”

Samantala, sa kanilang #BehindRelationshipGoals podcast episode noong January 24, masayang ibinalita nina Megan at Mikael na nakumpleto na nila ang kanilang paglipat.

“Right after our trip to Boracay we actually went home to our new place!” ani Megan

Credit: Megan Young Instagram

Ayon kina Megan at Mikael, hindi naging “stressful” ang kanilang paglipat sa kanilang bagong bahay.

Ani Mikael, “At this point, I think it’s safe to say that we have completely moved. I’m so happy with the process that we went through because it wasn’t really stressful.”

Ipinaliwanag naman ng mag-asawa kung bakit hindi naging mahirap at nakakapagod ang kanilang paglipat.

Ani Megan, “It wasn’t as stressful as we thought it would be because we started early. When you gave yourself time…then, you figure out kung ano ba talaga yung kailangan mong dalhin sa bago mong bahay, di ba?”

Credit: Megan Young Instagram

Dagdag naman ni Mikael, “We gave ourselves a good 15 days [to move]…It was really going to help lower and reduce the stress levels of moving.”

Sina Megan at Mikael ay ikinasal ng dalawang beses noong nakaraang taon. Ang una ay noong January 10, 2020 sa Caleruega, Batangas at ang ikalawa ay nangyari naman sa hometown ni Megan sa Subic, Zambales noong January 25, 2020.

Sa kanilang podcast episode, sinabi nina Megan at Mikael na hindi muna matutuloy ang plano nilang paglipat sa Subic na matagal na rin nilang plina-plano. Hindi pa kasi umano handa ang kanilang bahay sa Subic at matatagalan pa umano bago nila ito maipa-renovate. Bukod pa rito, nakabase rin ang kanilang trabaho bilang mga GMA artist sa Maynila.