Megan Young at Mikael Daez, pinakilig ang marami dahil sa kanilang sweet na litrato ng kanilang bakasyon sa El Nido, Palawan!

Couple goals talaga pagdating sa pagta-travel ang Kapuso celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez.

Ngayong taon ay sunod-sunod ang pagbabakasyon sa beach ng mag-asawa. Matatandaan na noon lamang December 2020 ay una nang nagbakasyon sa napakagandang isla ng Boracay sina Megan at Mikael.

Credit:ย @meganbata Instagram

At ngayong buwan ng mga puso ay sunod namang pinuntahan nina Megan at Mikael ang isa sa mga sikat na tourist destination sa bansa ang El Nido, Palawan.

Nitong February 21 lamang, ibinahagi ni Mikael sa kanyang Instagram account ang ilan sa nakatutuwa at nakakakilig na larawan at video nila ni Megan na kinunan mula sa kanilang bakasyon sa Palawan.

Credit:ย @meganbata Instagram

Makikita sa mga larawan na talagang sobrang nag-enjoy sina Megan at Mikael sa kanilang bakasyon sa mala-paraisong isla ng El Nido, Palawan.

“We felt some happy island vibes today! ๐Ÿ™‚ We canโ€™t wait to share some of the vids weโ€™ve taken so far. Also super excited to explore a bit more. Any food or activity recos are welcome,” ani Mikael sa isang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)

Ibinahagi nga ni Mikael na nag-island hopping tour sila ni Megan sa El Nido. Bukod dito ay sobrang inenjoy nila ang malinaw at kulay asul na tubig ng isla sa pamamagitan ng pagka-kayak.

Masayang ikwenento rin ni Mikael na umakyat sila sa ilang bundok ng isla at naghanap ng mga ‘sea caves’.

Ani Mikael, “Boneezy and I obviously had a super fun time doing the island hopping tour in El Nido! We kayaked in the different shades of blue water in the big lagoon, climbed some mountains and went hunting for some sea caves!”

Credit:ย @meganbata Instagram

Siyempre, hindi mawawala ang food trip sa kanilang mga aktibidad tuwing nagbabakasyon sila ni Megan.

Kwento pa ni Mikael, “Sa dulo, na gutom po ako!! Medyo napabilis ang kain kaya inantok agad! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ Boneezy was surprisingly up and about even after all our activities. Huge shout out to @charlieselnido for being a beautiful resort and setting up our activities today. #CharliesTropicalHideaway #CharliesElNido”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)

Samantala, noong January ay ipinagdiwang nina Megan at Mikael ang kanilang unang wedding anniversary.

Credit:ย @meganbata Instagram

At noong nakaraang buwan din ibinalita ng celebrity couple na malapit na silang lumipat sa hometown ni Megan sa Subic, Zambales.