Megan Young, ini-reveal ang rason kung bakit ayaw pa niyang magkababy sila ng asawang si Mikael Daez

Mahirap ang buhay mag-asawa. Mahirap kasi hindi ka nalang nag-iisa sa paggawa ng desisyon. Bago ka gumawa ng isang desisyon ay kailangan mong isaalang-alang ang iyong asawa. Dagdag pa rito, ang mga ‘pressure’ na inilalagay ng ibang tao sa mga mag-asawa.

Credit: Mikael Daez Instagram

Ngunit isang susi sa isang masayang pagsasama ng mga mag-asawa ay kapag hindi sila nagpapaapekto sa mga ‘pressure’ na ito.

Isa sa mga masaya ngayon sa kanilang buhay mag-asawa ay ang newlywed na sina Megan Young at Mikael Daez na kahit na maraming ‘pressure’ silang natatanggap mula sa iba’t ibang tao lalo na sa usaping pagkakaroon ng anak.

Credit: Mikael Daez Instagram

Kamakailan nga ay inamin ng dating Miss World titleholder sa kanilang podcast na “Behind Relationship Goals”, na nakakatanggap raw siya ng maraming pressure mula sa iba’t ibang tao.

“Mom, your mom, siblings, friends, social media…Articles you read online and random strangers on the street,” sagot ni Megan sa tanong ni Mikael kung saan niya nakukuha ang lahat ng pressure na natatanggap niya sa pagkakaroon ng anak.

Simula kasi nang magpakasal ang dalawa nitong January ay marami na silang natatanggap na tanong sa kung kailan nila balak magka-baby.

Credit: Mikael Daez Instagram

Ikinuwento rin ni Megan na hindi siya apektado sa lahat ng mga sinasabi ng tao sa kanya kasi bago pa lang daw sila ikasal ni Mikael ay may larawan na siya sa kung anong gusto niyang maging ‘married life’ nilang dalawa.

Pagkukuwento ni Megan, “Before Mik and I actually got married, we were engaged na, we would talk about kids a lot, and we would talk about what we wanted in our future family.”

Credit: Mikael Daez Instagram

“The first thing I told him was I don’t want kids right away because I just don’t want to have to go through it.”

“I wanted to be selfish. I wanted to focus on just you and just me.”

Sa huli sinabi ni Megan na, “I’m not affected at all because I know what I want.”

Credit: Mikael Daez Instagram

“I know I don’t want kids right away. I know it’s eventually going to happen, but for now, if it happens then it happens.”

Nagkakaintindihan naman sina Megan at Mikael sa bagay na ito.

Ani Mikael sa isang Instagram post kung saan ay makikita si Megan na masayang hawak ang anak ng kapatid ni Mikael.

Credit: Mikael Daez Instagram

“Last na toh! But yeah, baby lucia is just too cute. Boneezy looks good with that baby as well. #ahemahem but on a more serious note, we are in no rush. Whatever happens will happen.”

Sa kasalukuyan ay ini-enjoy talaga ng dalawa ang kanilang married life. Isa sa mga pinagkakaabalahan ng dalawa ay ang paggawa ng podcast at paglalaro ng mobile games.