Megastar Sharon Cuneta, malaki ang pasasalamat sa kanyang driver dahil sa tapat na pagseserbisyo at pag-aalaga nito sa kanya sa loob ng 35 taon

Maraming tao na ang natulungan ng actress-singer na si Sharon Cuneta at ilang beses na rin niyang napatunayan sa lahat ang kanyang kabutihan.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

At kung mayroong isang tao na makapagpapatunay sa mabuting kalooban ni Sharon, ito ay walang iba kundi ang kanyang driver na kasa-kasama niya mula pa noong dekada 80 hanggang ngayon.

Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Sharon ang mensahe na isinulat ni Nelson upang pasalamatan siya sa kanyang kabaitan.

Kalakip ng mensahe ni Nelson ay ang lumang litrato nila ni Sharon kasama ang anak nito na si KC Concepcion na aniya ay kinunan pa noong March 1986.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Ayon kay Nelson, malaki ang kanyang pasasalamat dahil naging bahagi siya ng karera ni Sharon bilang “one of the most respected actress in the country.”

Ibinunyag din ni Nelson na hindi kailanman nagbago si Sharon at nanatili pa rin umano itong mabuti sa kabila ng tagumpay na nakamit nito bilang isang artista.

Nasaksihan din umano ni Nelson kung gaano katotoo at katibay si Sharon bilang isang asawa, ina at babae.

Sa huli, pinasalamatan ni Nelson si Sharon dahil sa mga oportunidad na ibinigay nito sa kanya.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Sabi pa ni Nelson, ang kanyang mensahe ay isang “living statement” sa kabutihan na ipinakita ni Sharon sa kanya at maging sa kanyang pamilya.

Samantala, naiyak naman si Sharon pagkatapos mabasa ang nakakaantig na mensahe ni Nelson.

Ibinalik din ni Sharon ang pagpupugay sa kanyang driver. Sa caption ng kanyang Instagram post, pinasalamatan ni Sharon si Nelson dahil sa tapat na pagseserbisyo at pag-aalaga nito sa kanya at sa mga mahal niya sa buhay.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Ani Sharon, “Awww ang aga-aga ito naman driver kong si Nelson pinaiyak ako! Thanks so much Dodong sa walang humpay at tapat mong pag-alaga sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Napakadami na nating napagdaanan at di mo ako iniwan o pinabayaan. Mahal na mahal kita at ang pamilya mo!”

Dagdag niya, “God bless you always. Ingat kayong lahat ng extra nitong mga panahon na ito nakakatakot na ang C0vid!”

Kwento ni Sharon, dating driver ng kanyang dating mister na si Gabby Concepcion si Nelson.
Matatandaang naghiwalay sila ni Gabby at pinili umano ni Nelson na sa kanya sumama.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Ani Sharon, “Driver po siya ng Papi ng panganay kong anak. Nung naghiwalay kami, sa akin sya sumama. Parang tama naman ang desisyon mo Dong ano?!”