Megastar Sharon Cuneta, proud na ibinahagi na kakayanin daw ng kanyang bagong ipinapagawang bahay ang intensity 10 na lind0l

Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng sariling bahay. Para sa ilan, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay isang katuparan ng kanilang mga pangarap.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Ngunit ang paggawa ng bahay ay hindi ganoon kadali at kasimple. Mayroong ilang mga salik na dapat isaalang-alang ang isang may-ari ng bahay. Isa na rito ay dapat tiyakin nila na pulido ang pagkakagawa ng kanilang bahay bago nila ito tirhan. Dagdag dito, kailangan din nilang siguraduhin na matibay ang pagkakagawa ng bahay na kayang makatagal sa gitna ng mga natural na kalamidad tulad na lamang ng lind0l.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Ipinagmalaki naman ni Megastar Sharon Cuneta na napakatibay ng kanyang kasalukuyang ipinapagawang bahay na kahit ang isang lind0l na may lakas na intensity 9 hanggang 10 ay kakayanin nito.

Ito ang ibinahagi ni Sharon sa isang Instagram post kung saan ay nagbigay siya ng update sa kanyang ipinapagawang bahay.

Ipinost ni Sharon ang isang maikling video kung saan makikita ang napakalawak niyang property na sinisimulan nang lagyan ng scaffolding ng kanyang mga kinuhang construction worker.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Kahit may p@ndemya ay tuloy lamang ang pagtatrabaho ng mga construction worker para gawin ang “forever home” ng pamilya ni Sharon.

Bahagi ni Sharon, sinabi umano sa kanya ng kanyang contractor na aabutin pa ng dalawang taon bago matapos ang kanyang bahay na sinimulan lamang gawin noong August 2020.

Kwento ni Sharon, “Basement parking in our forever home halfway done! It’s under half the whole house. Am so excited that we’re moving forward! Construction started August 1 last year then my workers of course took a Christmas break. My contractor said about two months ago when I asked him when he thought they would finish building that he would try his best to be done in a little over two years.”

Wala namang problema si Sharon kung aabutin ng dalawang taon ang konstruksyon ng kanyang bahay basta umano ay siguraduhin lamang ng mga gumagawa nito na matibay at pulido ang pagkakagawa sa kanyang bahay.

Ani Sharon, “I hope tapos na yung “a little over,” pero I know hindi pa! But basta super tibay at magaling ang pagkakagawa at pulido, mabilis lang siguro naman din lilipas ang two years. Sana din wala nang p@ndemya noon!”

Pinuri naman ni Sharon ang mga gumagawa ng kanyang bahay dahil sa mahusay na trabaho ng mga ito.

Aniya, “Galing my workers. Everyone just works and works and in such an organized manner! Galing my contractor, Onet Limchoc of @limchoc.construction and siempre my architect @conrad_onglao !”

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Sa huli, ibinahagi ni Sharon na kakayanin umano ng kanyang ipinapatayong bahay ang isang malakas na lind0l.

Ani Sharon, “Praying all goes well til the end. Kakayanin daw ng bahay namin kahit lindol na intensity 9-10! Thank God talaga!”