Mula pa noong nasa loob siya ng ‘Pinoy Big Brother’ house, pinahanga na ng comedian-host na si Melai Cantiveros ang maraming manonood dahil sa kanyang kasimplehan at tila walang arte na personalidad.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Kaya naman halos ‘di makilala ng maraming netizens si Melai sa kanyang recent Instagram update kung saan ay ginulat niya ang lahat dahil sa kanyang angking ganda sa suot niyang napakagandang outfit.
Pinusuan ng maraming netizens ang letrato na ipinost ni Melai sa kanyang Instagram kamakailan lamang kung saan ay kapansin-pansin ang kanyang pagiging h0t at blooming sa suot niyang s3xy dress.
Marami ang humanga sa kagandahan ni Melai na makikita sa kanyang suot na eleganteng nud3 maxi dress. Sa katunayan, tila nagmistulang isang modelo si Melai sa kanyang outfit na pinartneran naman niya ng isang high heels at napakacute na rattan bag.
Ayon kay Melai, kuha ang kanyang magandang letrato sa kasal ng kanyang kaibigan. Sa kanyang post, ‘di naman nakalimutan ni Melai na pasalamatan ang kanyang stylist para sa kanyang magandang outfit.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
“At the wedding of my sissyani @mayorajove And @brbssss ,mamaya ko sila ipopost pero shoutOut muna sa aking stylist @icavillanueva for my outfit ♥️♥️♥” caption ni Melai sa kanyang Instagram post.
Samantala, dahil sa litaw na litaw niyang ganda at elegante niyang outfit sa letrato kaya naman kaagad na umani ng maraming papuri si Melai hindi lamang mula sa netizens kundi maging sa kanyang kapwa artista.
Komento ni Sunshine Garcia, “Ang ganda naman! Bagay sayo yung dress.”
Saad naman ni LJ Moreno-Alapag, “Ang hot naman!!! Love the dress!”
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Komento naman ng ilang netizens:
“Revealing iba pero nice ganda ng nud3 color talaga”
“ANG GANDA MOOOO!!! bagay sayo outfit! Labyu”
“Ganda Ms. Melai! So love the dress po1”
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
“Grabe talaga ang beauty ni ma’am Melai”
Matatandaang itinanghal si Melai na Big Winner sa Pinoy Big Brother: Douple Up edition noong 2010. At magmula nang manalo siya sa nasabing TV reality show ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang kasikatan. Sa ngayon ay isa si Melai sa mga host ng morning variety show ng ABS-CBN na ‘Magandang Buhay’.