Melissa Ricks, ikinasal na sa kanyang non-showbiz fiancè sa Amerika!

Hindi na pinatagal pa ng aktres na si Melissa Ricks at ng kanyang non-showbiz fiancè na si Michael Macatangay ang kanilang pag-iisang dibdib.

Credit: @mellyricks09 Instagram

Matapos ma-engage August noong nakaraang taon, masayang ibinahagi ni Melissa sa kanyang Instagram account ngayong araw na ikinasal na sila ni Michael.

Isang wedding picture nila ni Michael ang ipinost ni Melissa kung saan ay bakas sa mukha nilang dalawa ang kasiyahan at pagmamahalan.

Credit: @mellyricks09 Instagram

Sa isang chapel sa hometown ng kanyang ina sa California sa Amerika ginanap ang simple at intimate wedding ceremony nina Melissa at Michael na dinaluhan lamang ng 15 tao.

Kwento ni Melissa, tatlong linggo lamang ang ginawa nilang preparasyon para sa kanilang kasal. Ngunit labis umanong naging espesyal ang kanilang kasal ni Michael dahil sa kanilang malalapit na kaibigan at kapamilya.

Credit: @mellyricks09 Instagram

Ibinunyag pa ni Melissa na siya lamang ang gumawa ng kanyang hair at make-up. Pagkatapos ng kanilang kasal, ginanap naman ang kanilang reception sa likod lamang ng bahay ng kanyang stepdad sa California.

“Our Wedding. Our special day made special by my closest friends and relatives here in California in only 3 weeks!” simula ni Melissa sa kanyang Instagram post.

Dagdag niya, “I woke up early, hubby cooked breakfast, we went to the grocery to get some snacks and soda for the guests, went through the drive thru at jack in the box to get churros and tacos, then proceeded home to get ready. I did my own hair and makeup, zipped myself into my gown, drove down to the chapel, had a simple ceremony with 15 people. Afterwards we had the reception in my step dads backyard💕 couldnt get any simpler than that.”

Credit: @niceprintphoto Instagram

Samantala, kahanga-hanga naman ang pagiging simple ngunit elegante ni Melissa sa kanyang suot na wedding gown na gawa ng isang local Pinoy designer.

Sa isang hiwalay na post, ikwenento ni Melissa na ‘rush’ ang pagkakagawa ng kanyang dream wedding gown. Ibinunyag pa ni Melissa na mas hands on pa ang kanyang mister sa pagpili ng kanyang wedding gown kaysa sa kanya!

“I honestly didnt know what I wanted to wear, what I knew is I wanted it Simple and comfortable, and thats exactly how it was! Actually, Michael had more participation on my gown, from the fabric choice, to design! Love how hands on he was! Can you believe He talked to Lauren before I did!”

Credit: @niceprintphoto Instagram

Sa huli ay pinasalamatan ni Melissa ang designer na gumawa ng kanyang napakagandang gown.

Aniya, “Haha Thank you Batangas Based designer @laurenbabyrabe and @laurenberberabedesigns for making me my dream gown in a “rush” 🤣✌️Thank you for all the Love and support!”

Kabilang naman sina Eula Valdes, Mariel Padilla at Vina Morales sa mga bumati kina Melissa at Michael.