Mensahe ni Julia Montes para sa kaarawan ni Coco Martin, kinakiligan ng mga netizen!

Tunay nga namang nakakakilig ang tambalang Coco Martin at Julia Montes. Sa napakaraming lalaking nakatambal ni Julia Montes, ang pagtatambal nila ni Coco Martin ang talagang pumatok sa netizens. Maliban sa kanilang good looks, hindi rin maitatanggi ang kanilang kahusayan pagdating sa pag-arte.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Simula nang nagkasama sa “Walang Hanggan” noong taong 2012, kapansin-pansin na ang nag-uumapaw nilang chemistry dahilan kung bakit hanggang ngayon, wala pa ring kakupas-kupas ang kanilang love team na kung tawagin ng kanilang fans bilang “CocoJul”.

Sa pagsasama nilang muli sa “FPJ’s: Ang Probinsyano,” hindi na sila tinantanan ng kanilang fans lalo na’t mas lumalakas lamang ngayon ang kanilang chemistry.

Hindi man kinumpirma o tinanggihan ang isyu tungkol sa kanilang relasyon, mapapansin naman ang napakagandang pakikitungo ni Julia at Coco sa isa’t-isa. Katulad na lamang nang ipinagdiwang ng aktor at direktor na si Coco ang kanyang ika-40 na kaarawan noong Lunes, November 1 kung saan ay may napaka-sweet na mensahe si Julia para sa kanya.

Credit: @montesjulia08 Instagram

“Sa taong sobrang magmahal sa kapwa, kaibigan , pamilya at sa trabaho. Wag mong kakalimutan na biyaya ka sa lahat ng taong natutulungan at nakakasama mo,” sulat ni Julia sa kanyang caption kalakip ng isang larawan ni Coco kung saan ay makikita siyang nakangiti sa harap ng kamera habang may parrot na nakapatong sa balikat nito.

Dagdag pa ng aktres, “May the joy that you have spread come back to you not only on this day but through out the rest of your life 😊.”

Ngunit ang labis na kinakiligan ng kanilang fans ay ang huling bahagi ng mensahe ni Julia na, “Mahal ka namin ❤️Happy birthday !”

Credit: @montesjulia08 Instagram

Matatandaan sa pagbalik ni Julia sa industriya ng showbiz ang rebelasyon niyang “in love” siya ngayon sa taong katulad niya ay isa ring celebrity.

Bagama’t hindi man binanggit ang pangalan ng iniibig niyang kapwa celebrity, marami ang naniniwalang si Coco Martin ito.

Credit: @montesjulia08 Instagram

“Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. ‘Wag na nating paguluhin pati ‘yung atin,'” saad ni Julia sa isang interview.

Halos hindi naman magkamayaw ang “CocoJul” fans sa comment section ng mismong post ng aktres. Kahit na’y sinabi lamang ni Julia ang mga katagang iyon sa ngalan ng iba pa nilang kasama sa “FPJ’s: Ang Probinsyano,” hindi naiwasan ng karamihan na makaramdam ng kinilig.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Happy birthday, Coco!