Marami ang nagulat sa rebelasyon ng aktres na si Meryll Soriano nitong Bagong Taon. Nitong January 1, pinili ni Meryll na ibahagi sa lahat na nagkabalikan at mayroon na silang anak ni Joem.

Isang litrato ang ipinost ni Meryll sa kanyang Instagram kung saan makikitang kumpleto ang kanyang pamilya.

Sa unang larawan na ipinost ni Meryll ay makikita ang matamis na pagtitinginan nila ni Joem.
Pumapagitna naman sa kanila ang karga-kargang sanggol ni Meryll na mukhang bagong panganak pa lamang. Makikita naman sa ikalawang litrato ang pagiging sweet ni Joem sa sanggol.
Habang sa huling litrato naman na inupload ni Meryll ay makikita silang masayang-masaya ni Joem. Kasama rin sa litrato ang binatang anak ni Meryll sa kanyang dating asawa na si Bernard Palanca.

Dahil sa mga litratong ipinost ni Meryll, ay nakumpirma na ngang hindi lamang sila nagkabalikan ni Joem kundi bumubuo na rin sila ng isang pamilya.
Wala namang sinabi si Meryll tungkol sa pangalan at kung kailan niya isinilang ang anak nila ni Joem.
Inihayag naman ni Meryll sa caption na umaasa siyang magiging maganda ang taong 2021 para sa lahat.

“2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love,” ani Meryll.
Dagdag niya, “New year, new hopes, new positive outcomes. Happy New Year from our family to yours!”

Matatandaang nabuo ang pagtitinginan nina Meryll at Joem taong 2009 nang magsama sila sa Kapamilya drama series na “I Love Betty La Fea”.
Isang taon ang makalipas ay napabalita naman ang kanilang paghihiwalay.
Ngunit sa kabila naman ng kanilang hiwalayan ay nanatili silang mabuting magkaibigan.
Nagkaroon naman ng seryosong relasyon si Joem sa vlogger na si Crisha Uy. Ang kanilang relasyon ay tumagal din ng 8 taon bago nila inihayag noong 2019 na naghiwalay na sila.

January 2020 naman nang napabalitang nagkabalikan si Merryl at Joem matapos ma-spottan ang aktor na nagdiwang ng Bagong Taon kasama ang aktres at ang pamilya nito.
Samantala, wala pa ring opisyal na pahayag sina Meryll at Joem tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon mula nang ibahagi ng aktres ang litrato nila kasama ang kanilang anak.