Mga anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na sina Yohan, Lucho at Luna, ibinida ang kanilang galing sa pagluluto!

Nagsilbing bonding ng mga anak nina celebrity couple Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na sina Yohan, Lucho at Luna ang pagluluto nila ng Aglio Olio pasta.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram        

Sa Instagram account ni Judy Ann, ibinahagi niya ang video ng pagluluto nina Yohan, Lucho at Luna. Ang niluluto ng magkakapatid na Agoncillo ay espesyal na Aglio Olio na ibenebenta ni Judy Ann sa kanyang Angry Adobo restaurant.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Nanguna sa pagluluto ang panganay na anak nina Judy Ann at Ryan na si Yohan. Nagmistulang mga assistant naman niya ang dalawa niyang nakababatang kapatid na sina Lucho at Luna.

Mapapanood sa video na mukhang sanay na si Yohan sa kusina dahil hindi na nito kailangan ng tulong ng kanyang Mommy Judy Ann habang niluluto nila ang pasta recipe.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Kapansin-pansin naman ang pagiging masunurin ni Lucho sa kanyang Ate Yohan. Sinusunod ni Lucho ang mga instruction ng kanyang Ate Yohan habang niluluto nila ang pasta. Habang ang bunso naman nilang kapatid na si Luna ay in-obserbahan ang ginagawa ng kanyang mga kapatid.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Nang matapos na ang kanilang pagluluto sa Aglio Olio pasta ay tinikman na ito ng magkapatid. Base sa kanilang reaksyon ay mukhang matagumpay ang kanilang pagluluto. Katakam-takam din ang itsura ng kanilang nilutong pasta at talaga namang mukha itong masarap.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Napa-apir naman si Judy Ann kay Yohan nang matikman niya ang nilutong pasta ng kanyang mga anak. Pasado sa panlasa ni Judy Ann ang espesyal na Aglio Olio pasta na niluto ng kanyang mga anak. Aniya, “Ayos! Kayo na magluto ng dinner.”

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Samantala, nabigla naman si Judy Ann at Ryan nang tanungin ni Yohan kung pwede na ba siyang mag-trabaho sa Angry Adobo restaurant ng kanyang mommy. Mukhang susunod si Yohan sa kanyang Mommy Judy Ann na mahilig magluto.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Maraming netizens din ang humanga sa cooking skills na ipinakita ng mga anak nina Judy Ann at Ryan. Komento ng netizens:

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

“Your kids are all too cute! it that they know how to cook and enjoy it, too!”

“OMG! Daig pa ko ng mga bata. Super bilib talaga ako sa parents na bata palang ang mga anak tinuturuan na sa kusina.”

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

“Wow they know how to cook foods already. Good parenting ms judy ann…the best”

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

“Ang galing naman po ng mga babies nio momshie juday and papsie ryan, cguradong masarap yan. gobless and stay safe.”