Bago magtapos ang 2021 na siyang sinasabing ang taon kung saan ay marami sa mga couple ay maghihiwalay, sinigurado naman ni Edu Manzano at Cherry Pie Picache na magkakaroon ng magandang twist ang taon!
Naging daan ang showbiz para sa pagmamahalan ni Edu Manzano at Cherry Pie Picache pero umabot pa sila ng napakahabang panahon bago tuluyang mahanap ang isa’t-isa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang nagdaang relationships ng dalawa na humantong sa kanilang kabiguan sa pag-ibig, pero hindi naman nagtagal nang nagkadevelop-an si Edu at Cherry Pie.
Credit: @yescppicache Instagram
Magkasama ngayon sa iisang teleserye na “Marry Me, Marry You” si Edu at Cherry Pie at muling ipinamalas ang kanilang walang kakupas-kupas na kahusayan sa larangan ng pag-arte. Ang pagkakataon din na ito ang nagsilbing daan nila patungo sa isa’t-isa.
Nagsimula ang rumor nang nagbahagi ang beteranang aktres sa Instagram ng mga larawang kuha sa kanyang nagdaang trip sa New York.
“Amazing and lovely moments in the city that never sleeps🥰😍🎶🥂💃🥳❤️❤️❤️,” sulat ni Cherry Pie sa kanyang caption.
Makikita naman sa mga larawan na kasama ni Cherry Pie ang kapwa niya celebrities na sina Janine Gutierrez, Arci Muñoz, Edu Manzano, at marami pang iba.
Credit: @yescppicache Instagram
Bagama’t magkakatabi at sobrang close man nilang lahat ayon sa mga larawang ibinahagi ni Cherry Pie, talagang agaw-pansin ang pagiging komportable ng aktres at ng kanyang “Marry Me, Marry You” co-star na si Edu.
Sa pinakaunang larawan ay makikitang nasa tabi ni Cherry Pie si Edu at kahit ma’y natatabunan ng mask ang kalahati sa kanilang mukha, hindi naman maitatanggi sa kanilang mga mata na sila’y nakangiti at masaya.
Sa ikalawang larawan naman ay makikitang magkakasamang kumakain ang lahat at magkatabi pa rin ng inuupuan ang couple.
Ngunit labis na ang kilig na naramdaman ng kanilang fans nang sa ikatlong larawan ay makikitang nakasandal na si Cherry Pie sa balikat ni Edu.
Credit: @yescppicache Instagram
At mukhang hindi lamang ang netizens at fans ni Cherry Pie ang nakapansin sa closeness ng dalawa dahil kahit si Arci Muñoz at Yam Concepcion ay nanunukso at may pahaging din sa comment section ng nasabing post.
“Thanks for the great time tepie!! Kitakits sa L.A! ❤️ @realedumanzano,” komento ni Arci.
“@yamconcepcion Super!!! Thank you too!!! What? Pinapansin ka na??😅 warmest regards to hubby! See you soon again❤️,” panunukso naman ni Yam.
Biyernes, November 19 nang kinumpirma naman ni Edu ang relasyon nila ni Cherry Pie na talaga namang ikinasaya ng karamihan lalo na ng kanilang fans na walang ibang hangad kundi ay ang kanilang kasiyahan.