Isa ang “T.G.I.S.” o “Thank God It’s Sabado” sa mga hindi malilimutang palabas noong dekada 90. Hindi maikakailang isa rin ito sa mga pinakasikat na youth-oriented show noon na pinagbibidahan ng ilan sa mga mahuhusay na aktor at aktres sa Philippine showbiz.
Credit: @pinaypole Instagram
Matatandaang unang napanood ang palabas noong 1995 na umabot hanggang taong 1999. At talagang hindi maitatanggi na isa ito sa mga TV show na bumuo sa masayang kabataan ng mga Pinoy noong 90s.
Kamakailan ay ipinagdiwang ng casts at mga tagahanga ng T.G.I.S. ang kanilang ika-26 na anibersaryo.
Pinangunahan ng direktor na si Direk Mark Reyes ang ika-26 anniversary celebration ng T.G.I.S.
Sa Instagram, nag-post ang direktor ng larawan kuha mula sa ginanap na online mini-reunion ng mga cast ng palabas.
Credit: @pinaypole Instagram
Makikitang present sa reunion sina Angelu de Leon, Ciara Sotto, Michael John Flores, Bobby Andrews, Bernadette Allyson, Red Sternberg at Rica Peralejo.
“Our #DyslexicHeart is still beating strong after all these years of friendship. Happy 26th,” sulat ng direktor sa kanyang post.
Nag-post din si Ciara ng ilang throwback photos ng mga kasamahan niya sa palabas kalakip ng isang sweet caption.
Ani Ciara, “Happy 26th Anniversary to my TGiS Family! I miss you guys! Group hug!!! #alright #tgis #tgis26 #batang90s.”
Credit: @pinaypole Instagram
Ilang batang 90s naman ang hindi maiwasang ikwento ang mga masasayang memories nila noon habang nanonood ng T.G.I.S. Komento nila:
“My favorite team barkada…”Thank God It’s Sabado…The number 1 oriented show…Wlang kapalit magmula ngayon…KAYO tlga ang the best.. Naalala ko pa, wala kming TV nuon, nkikinood lng ako kpg darating na ang sabado..Hays nakamiss kayo”
“OMG namiss ko sila. I remember when I’m in high school sobra dami ko nila picture. I love you guys”
Credit: @pinaypole Instagram
“TGIS, ito lang talaga ang kinababaliwan ko, walang katulad. Super fan of Wacks and Peachy”
“TGIS Forever…luv watching it during my high school days”
Samantala, lingid sa kaalaman ng marami, mapapanood pa rin ang T.G,I.S. ngayon para sa mga kabataang Pinoy na hindi ipinanganak noong dekada 90 at mga batang 90s na nais muling “kiligin.” Magtungo lamang sa official YouTube channel ng GMA Network at pwede munang mapanood ang T.G.I.S.