Mga cute na letrato nila LJ Reyes at mga anak nito na sila Aki at Summer, pinusuan ng mga netizen!

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang pinagdaanan ni LJ Reyes tungkol sa pagkabigo niya sa pagmamahal at ang hiwalayan nila ni Paolo Contis pero sa kabila ng lahat, nagawa pa rin ng aktres na muling ngumiti at makahanap ng rason na maging masaya sa buhay.

Credit: @lj_reyes Instagram

Matapos ang hiwalayan nina LJ at Paolo, kaagad na lumipad ang aktres patungo sa America kasama ang mga anak na sina Aki at baby Summer upang makapagsimulang muli.

Credit: @lj_reyes Instagram

Simula nang nanirahan sa ibang bansa, unti-unti ng naibabalik ni LJ ang dating sigla at saya. Maliban sa kapayapaan na tinatamasa ngayon sa America, pinaghuhugutan ni LJ ng lakas ang kanyang mga anak.

Sa pagtatapos ng Oktobre at bago salubungin ang panibagong buwan, nagkaroon ng funshoot si LJ kasama ang dalawang anak na sina Aki at baby Summer.

Credit: @lj_reyes Instagram

“Making new memories with you both.❤️🙏🏻” sulat ng aktres sa kanyang caption kalakip ng mga sweet nilang larawan.

Sa hiwalay namang post ni LJ kung saan ay kasama niya si Aki, kinagiliwan ng netizens ang “candid” nilang mga larawan kung saan ay pareho silang nag-eenjoy sa pangingiliti sa isa’t-isa.

Credit: @lj_reyes Instagram

“Holding your hand through thick or thin! But with tickles on the side!😝😅,” saad ni LJ sa kanyang caption.

Samantala, featured naman ang pagiging bibo at kakulitan ni baby Summer sa isa pang hiwalay na post ni LJ kung saan ay makikitang nakaupo sa lamesa ang bunsong anak ng aktres at mukha pang modelo kung maka-pose!

Credit: @lj_reyes Instagram

Ayon kay LJ, “Shine bright as Summer my love!☀️🤣😅 Di ko sya kinaya! Sabi lang sa kanya pose tapos tuloy tuloy na sya 😅 swipe all the way to the last photo then caption it!”

Inulan naman ng mga positibong komento galing sa fans at supporters ang bawat post ni LJ sa Instagram.

“Stay strong 💪! You don’t need a man to be a complete family. Your kids love you and that’s all that matters 🙌❤️”

Credit: @lj_reyes Instagram

“Cute nio nmn,, stay strong❤️😇”

“Cute bonding time with Aki and sana isinama mo si Summer, Tita 😍😍😍❤️❤️❤️”

“Hi, LJ. Thanks for being an inspiration to us single moms ❤️”

Credit: @lj_reyes Instagram

Sa solo pictures naman ni LJ, talagang agaw-pansin ang pagiging blooming niya ngayon.

Sa caption, ibinahagi ng aktres ang paborito niyang Bible verse na, “‘Be still and know that I am God!’ Psalm 46:10”

Credit: @lj_reyes Instagram

Puno ng kakulitan ang bawat araw ni LJ ngayon sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak na palaging naghahatid ng good vibes at nagbibigay ng kasiyahan sa kanya.