Mga kasambahay ni Bea Alonzo, delivery riders at isa niyang tagahanga, maswerteng nakatanggap ng biyaya mula sa kanya!

Malaki ang pasasalamat at paghanga ng aktres na si Bea Alonzo sa mga itinuturing niyang anghel ng kanyang tahanan na walang iba kundi ang kanyang mga kasambahay.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Kaya naman para ipakita ang kanyang pagpapahalaga at pasalamatan sila sa lahat ng kanilang pagsasakripisyo upang mabigyan lamang siya ng isang maginhawang buhay, nag-organisa si Bea ng isang masaya at exciting na palaro para sa kanila kasabay ng pagdiriwang ng mga manggagawa ng ‘Labor Day’.

Credit: Bea Alonzo YouTube

“In these trying times, I can’t help but thank those who go the extra mile to keep us all safe. To our frontliners, delivery drivers, and especially the angels in our household who ensure our safety and health, THANK YOU,” pahayag ni Bea sa kanyang YouTube vlog.

At syempre, kapag laro na ang pag-uusapan, nangangahulugan lamang ito na mayroon ding mga premyo na naghihintay! Tinawag ni Bea ang laro na “Labor Games” kung saan ang magwawagi ay makakatanggap ng P20,000. Hindi naman uuwing luhaan ang mga matatalo dahil bibigyan pa rin sila ni Bea ng tig-5K piso.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Unang laro pa lang ay todo-bigay na ang mga kasambahay ni Bea at maging siya na kasali rin sa laro!

Hindi naman humupa ang energy ng lahat dahil hanggang sa huling laro ay ibinigay pa rin nila ang lahat ng kanilang energy para lamang manalo. Kabilang sa mga laro na nilaro nila ay Marble Scoop, Funny Pencil, Yank Me, Pyramid Cans at Ping Pong Blow.

Sa huli, nagwagi ang mag-asawang kasambahay ni Bea na sina Nina at Lito. Nadoble naman ang kanilang napanalunang P20,000 matapos nilang manalo sa bonus round.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Ang ibang kasambahay naman ni Bea na hindi nanalo ay masaya pa rin dahil makakatanggap sila ng tig-5K pisong cash at load! Lahat ng ipapamahaging pera ni Bea sa kanyang kasambahay ay ita-transfer niya sa pamamagitan ng online wallet app na Paymaya.

‘But wait there’s more!’, dahil pagkatapos nilang maglaro ay binusog naman sila ni Bea sa mga pagkain na inorder nito.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Samantala, bago dumating ang kanilang pagkain ay sinabi muna ni Bea na bibigyan din niya ng P15,000 cash at P5,000 load ang delivery rider na maghahatid ng kanilang pagkain.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa huli, isang maswerteng Grab delivery rider ang nabigyan ng biyaya ni Bea. Nakakwentuhan ni Bea ang delivery rider at ibinahagi nito na wala pang isang buwan mula nang magsimula siya sa kanyang trabaho. Umalis namang may ngiti sa mukha ang nasabing delivery rider.

Naglagay din si Bea ng isang munting pantry sa harap ng kanyang bahay kung saan libreng makakakuha ng biscuits, chips, chocolates at inumin ang mga dadaang delivery rider.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Bukod sa kanyang kasambahay at sa nasabing delivery rider, binigyan din ni Bea ang isa niyang tagahanga na nagtatrabaho bilang isang medical frontliner ng P20,000.