Mga letratong ito ni Maris Racal, nagpahanga at pinaguusapan ngayon ng mga netizen

Talagang pinalaglag panga ni Maris Racal ang mga netizens at kapwa celebrities sa mangha dahil sa ginawa niyang photosho0t noong ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan.

Credit: @mariesteller Instagram

Kilala bilang isang talented at mahusay na aktres sa industriya ng showbiz ngayon, hindi kailanman binigo ni Maris ang kanyang fans pagdating sa pag-arte at pagpapamalas ng galing sa pagkanta.

Mula sa pagiging housemate ni kuya sa Pinoy Big Brother House, hanggang sa naging isa sa mga pinakamaningning na artista ngayon sa showbiz, palagi nang pinapahanga ni Maris ang netizens sa bawat teleserye o pelikulang pinagbibidahan.

Palaging may mga bagong pinapakita si Maris mapa-arte man sa mga teleserye o mga komposisyong kanta na bentang-benta sa netizens at ngayon ay muling niyang pinabilib ang kanyang fans nang ibinahagi ang mga larawan niya kuha sa ginawang photosho0t para sa kanyang birthday.

Credit: @mariesteller Instagram

Sa espesyal na araw ng aktres, naging matagumpay ang kanyang photosho0t sa tulong nina BJ Pascual, Eldz Mejia, Adrianne Concepcion, at iba pang professionals.

“and just like that, i turned 24,” sulat ni Maris sa kanyang caption.

Nakasuot ng manipis na damit at basang-basa sa tubig, napaka-hot ni Maris tingnan at pagmasdan. Nakadagdag pa sa kaseks!han ng aktres ang kanyang “fierce look” na talagang bumihag sa puso ng netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Hindi naman napigilan ng netizens ang humanga sa isang hiwalay na post ni Maris kung saan ay makikita ang kanyang amazing na pose. Bagama’t abala sa pagbabalanse, hindi pa rin natatanggal ang mainit na tingin ng aktres sa kamera.

“para akong nabuhusan ng malamig na tubig,” pahayag ni Maris kalakip ng isang larawan kung saan ay kapansin-pansin ang pagkakadepina ng kanyang magandang hubog ng katawan dahil sa basa at manipis na damit.

Credit: @mariesteller Instagram

Sa mga salitang “wet” at “w!ld” na talagang lumalarawan sa mga litrato ni Maris, matagumpay niyang naagaw ang atensyon ng netizens.

Sa ika-24 na kaarawan ng aktres, nakatanggap siya ng greetings galing sa kapwa celebrities at fans. Nagpaabot din ng maliligayang pagbati sina Chienna Filomeno, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Elisse Joson, Donna Bartolome, Boyband PH Russel Reyes, at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Of course, hindi rin nagpahuli ang boyfriend ni Maris na si Rico Blanco, isang kilalang singer at composer.

“happy birthday madam. love you so much po,” pagbati ni Rico sa girlfriend kalakip ng mga larawan ni Maris at ang selfie nilang dalawa.

Isa lamang ito sa mga selebrasyon sa kaarawan ni Maris na talagang tatatak sa kanyang puso.