Ang ating katawan ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Maaari tayong tumaba o pumayat at ang mga pisikal na pagbabago na ito ay maaaring dala ng ating “lifestyle”, ng pagtanda o ilang mga problema sa kalusugan.
Credit: @therealangellocsin Instagram
Anuman ang dahilan ng mga pagbabago sa ating katawan ay kailangan pa rin nating tanggapin at mahalin ang ating katawan dahil isa ito sa mga tanda na tayo ay “unique person” o nag-iisa lamang sa mundo.
Isa naman ang aktres na si Angel Locsin sa mga nspirasyon ngayon ng kababaihan dahil sa kabila ng pagtaas ng kanyang timbang ay nananatili pa rin siyang maganda—sa panloob man o panlabas na aspeto.
Credit: KuyaRey Photography
Marahil ay nagbago ang dating seksing katawan ni Angel ngunit ipinakita niya sa lahat na tanggap niya ang kanyang katawan anuman ang hugis nito. Marami mang natatanggap na negatibong komento si Angel tungkol sa pagbabago ng kanyang katawan ay hindi ito naging hadlang para mas lalo pa niyang mahalin ang kanyang sarili.
Kamakailan lamang, umani ng maraming papuri ang mga litrato ni Angel kung saan ay litaw na litaw ang kanyang natural na kagandahan sa kabila ng kanyang makurbang pangangatawan.
Credit: KuyaRey Photography
Sa mga litratong inupload ng Plus Size Pinay Blog sa kanilang Facebook page, makikita si Angel na nasa The Old Grove Farmstead sa Batangas City.
Kapansin-pansin sa mga litrato ang kagandahan ni Angel sa suot niyang long red dress. Siyempre, hindi mawawala sa mukha ni Angel ang kanyang napakaganda at sweet smile na mas lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan.
Credit: KuyaRey Photography
Matapos ngang ibahagi ng nasabing Facebook page ang mga litrato ni Angel ay umani kaagad ito ng mga positibong komento mula sa mga netizen.
Maraming netizens ang pumuri kay Angel dahil sa kabila ng pagtaas ng timbang nito ay nananatili umano itong maganda at glowing.
Credit: KuyaRey Photography
Ipinagtanggol din ng mga netizen si Angel mula sa mga taong pumupuna sa kanyang katawan ngayon.
Anila, kahit nagbago na ang katawan ni Angel ay iniidolo pa rin nila ito dahil sa kabutihan ng loob nito.
Para sa marami, ang panloob na kagandahan ni Angel ay mas mahalaga kaysa sa kanyang panlabas na hitsura. Komento nila:
“Si Angel kahit tumaba, maganda pa rin kasi busilak ang puso niya and yun yung lalong nagpapaganda sa kanya. 💛”
Credit: @therealangellocsin Instagram
“Ang mukha at magandang katawan nakukupas, pero ang ugali na maganda kailan man hindi makukupas. Iloveyou angel. ❤”
“Ok lang importante mabait at tumotolong sa kapwa maganda parin para sakin yon sobra 😍labs u my one and only darna”
Matatandaang noong 2015 sa kanyang panayam sa palabas na “Tonight with Boy Abunda”, inamin ni Angel na mayroon siyang iniindang spinal !njury na sanhi upang hindi siya makagawa ng mabibigat na pisikal na aktibidad tulad ng pag-eehersisyo.