Mga magagandang larawan ni Lyca Gairanod sa kanyang 17th birthday photosho0t, nagpa-wow sa netizens!

Isa sa mga hinahangaang popstar ngayon sa showbiz ay ang “The Voice Kids” alumna na si Lyca Gairanod.

Credit: @lycagairanod.1 Instagram

Ngunit maliban sa taglay na galing ni Lyca sa pagkanta, hinahangaan din siya ng marami dahil sa kanyang pagiging masipag at mapagmahal na anak sa kanyang pamilya.Kaya naman deserve na deserve niya ang isang napakagandang birthday celebration.

Kamakailan lamang nga ay nag-viral at pinag-usapan ng maraming netizens ang naging makabuluhang birthday celebration ni Lyca at ng ka-birthday niyang si TV reporter Karen Davila.

Credit: @lycagairanod.1 Instagram

Matatandaan na inabangan at talagang minarkahan ng mga netizen ang November 21 bilang kaarawan ng dalawa matapos ang kanilang viral na reaksyon nang mapag-alaman nilang parehas pala sila ng kaarawan sa nakaraang vlog ni Karen.

Bongga ang birthday celebration ng dalawa ngayong taon dahil mas pinili nilang mamahagi ng biyaya sa maraming tao. Para sa kanilang kaarawan, namigay ng mga bisikleta, cellphone, grocery at nagpakain ng maraming tao sina Lyca at Karen, na siyang ipinangako noon ng TV Patrol anchor.

Credit: @lycagairanod.1 Instagram

Pero bukod sa hindi malilimutang birthday celebration nila, nagsagawa rin ng isang birthday photoshoot si Lyca na nagpa-wow sa kanyang milyon-milyong followers.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Lyca ang ilang larawang kuha mula sa kanyang 17th birthday photoshoot na kinunan ng sikat na photographer na si Jason Dy.

Kapansin-pansin ang sweet ngunit mature awra ni Lyca sa lahat ng kanyang mga larawan. Talaga namang “kid no more” na ang dating “The Voice Kids” singer.

Credit: @lycagairanod.1 Instagram

Samantala, sa comment section ay maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang birthday wishes para kay Lyca.

“Happy birthday Idol, continue inspiring us. we love you”

“Happy birthday lyca…stay pretty and humble”

“Happy birthday lyca dalaga kana”

Credit: @lycagairanod.1 Instagram

“More blessings comes to your career Lyca…Blessed bornday”

Lingid sa kaalaman ng marami, sumikat si Lyca matapos manalo sa unang season ng The Voice Kids noong 2014 sa ilalim ng kampo ni coach Sarah Geronimo.

Sa ngayon naman ay hindi lamang namamayagpag sa larangan ng pagkanta si Lyca kundi maging sa pagba-vlog. Patunay dito ang pagkamit niya ng mahigit 1.80 million subscribers.