Mga naggagandahang anak ni Paolo Contis, may future sa pag-aartista!

Marami ang humahanga sa Kapuso actor na si Paolo Contis dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Bukod sa pag-arte ay may natatanging talento rin si Paolo sa pagho-host at pagpapatawa.

Credit: Paolo Contis Instagram     

Pasok din ang hitsura ni Paolo sa mga gwapong aktor ngayon sa Philippine showbiz industry. Sa katunayan, patunay ang mga naggagandahang anak ni Paolo na mayroon siyang good genes. Kabilang ang mga anak na babae ni Paolo sa mga celebrity kid na sinusundan ngayon sa social media.

Credit: Lian Paz Instagram

Katulad kasi ng kanilang mga magulang ay kwalipikado rin ang mga ito na maging isang artista. Ang dalawang anak ni Paolo sa kanyang dating asawa na si dating EB Babes dancer Lian Paz na sina Xalene at Xonia ay agaw atensyon sa social media dahil sa kanilang taglay na kagandahan.

Credit: Lian Paz Instagram

Hindi na kataka-taka kung bakit lumaking maganda sina Xalene at Xonia dahil gwapo at maganda ang kanilang mommy at daddy.

Credit: Lian Paz Instagram

Talented din sina Xalene at Xonia kagaya ng kanilang mga magulang. Madalas mag-post si Lian sa kanyang Instagram account ng mga video nina Xalene at Xonia na todo hataw sa pagsasayaw.

Credit: Lian Paz Instagram

Hindi naman magpapahuli ang bunsong anak ni Paolo na si Summer. Si Summer ay anak ni Paolo sa kanyang kasalukuyang partner na si TV actress LJ Reyes. Bata pa lamang ay kakikitaan na ng potensyal si Summer sa pag-arte.

Mukhang sinasanay na rin ni Paolo si Summer na umarte. Sa Instagram page ni Paolo mapapanood ang mga video ng “Acting 101” session nila ni Summer na talaga namang nagbibigay saya sa mga netizen.

Credit: Paolo Contis Instagram

Ngunit sa kabila ng ‘artistahin look’ at talento ng kanyang mga anak, papayagan kaya ni Paolo na pumasok ang mga ito sa showbiz?

Sa isang panayam sa kanya ng estasyon ng radyo na DZRH, sinabi ni Paolo na desisyon pa rin ng kanyang mga anak kung mag-aartista ba sila o hindi.

Credit: Paolo Contis Instagram

“Kung ano ang gusto nila,” ani Paolo.

Aminado naman si Paolo na isang malaking ‘edge’ o kalamangan para sa kanyang mga anak, kung gusto man ng mga ito na mag-artista, na artista ang kanilang tatay.

Ani Paolo, “Siyempre, malaking edge iyon na mag-showbiz sila, yung tatay nila, nasa showbiz.”

Dagdag ni Paolo, “Malaking bagay iyon. May mga bagay na silang hindi na kailangang pagdaanan. May mga bagay na puwedeng protektahan sila before whatever, kasi, meron nang inside people to support them.”