Mga nakakakilig na prenup photo ni Ara Mina at ni Laguna board member Dave Almarinez, pinusuan ng maraming netizens!

Marami ang kinilig sa mga sweet prenup photo ng engaged couple na sina Ara Mina at Dave Almarinez.

Credit: @therealaramina Instagram

Wala na talagang makakapigil sa inaabangang pag-iisang dibdib nina Ara at Dave. Ramdam na ng lahat ang kanilang papalapit na kasal dahil sa kanilang nakakakilig at magagandang prenup photos.

Hindi nagpahuli sina Ara at Dave at isang prenup photoshoot ang kanilang ginawa sa isang mala-paraisong beach resort sa Palawan.

Credit: @therealaramina Instagram

Blooming at tila bumata ng ilang taon si Ara sa kanyang suot na simple ngunit napaka-eleganteng puting gown. Bumagay naman sa outfit ng kanyang future bride ang kulay pink na suit na suot ni Dave.

Kilig-feels nga naman talaga ang hatid ng kanilang mga prenup photo tulad na lamang ng isang romantic na litrato nila kung saan ay hinalikan ni Dave sa noo si Ara habang background nila ang napakagandang sunset.

Credit: @therealaramina Instagram

“When a man truly loves a woman she becomes his weakness. When a woman truly loves a man he becomes her strength. This is called exchanges of power,” sweet caption ni Ara sa litrato.

Sa sumunod na litrato ay nagmistulang isang “queen” si Ara kung saan ay buong-ingat na hinalikan ni Dave ang kanyang kamay.

Makabuluhang caption naman ni Ara sa litrato, “A real man gives his lady the attention she deserves, gives her all of his love, calls her beautiful, and treats her like a queen.”

Credit: @therealaramina Instagram

Ipinakita rin ni Ara ang kanyang walang kupas na kaseksihan sa isang sexy prenup photo nila ni Dave kung saan ay nakasuot siya ng isang two-piece swimsuit.

Sa caption ay pinasalamatan ni Ara ang kanyang fiancè dahil sa pagtanggap at pagmamahal na ipinaramdam nito sa kanya.

Ani Ara, “Grateful for you my fiancé @davealmarinez for letting me be myself, for showering me with more love, more laughter, more peace and more fun!”

Credit: @therealaramina Instagram

Masasabi naman ni Ara na isa sa mga magandang bagay na kanyang ginawa ay ibahagi ang kanyang buhay at puso kay Dave.

Matatandaang January 2021 naganap ang engagement ng celebrity couple sa mismong City Hall ng Laguna kung saan tumatayong board member si Dave.