Tunay nga namang kahanga-hanga ang mga larawang ibinabahagi ng celebrities kapag sila’y nagsu-surfing. Hindi lamang sila maganda sa mga photoshoot dahil kahanga-hanga rin sila sa tuwing napapaamo nila ang mga alon kapag nagsu-surf.
Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram
Kung kadalasan sa “surfing photos” na ating nakikita ay amazing, may iilan ring artista na nahihirapan upang ma-achieve lamang ang inaasam na kalalabasan ng mga larawan. Katulad na lamang ni Bettinna Carlos na ipinamukha sa netizens na hindi lahat ng bagay ay madaling mag-achieve.
Kasalukuyan ngayong naninirahan sa La Union si Bettinna kasama ang kanyang anak na si Amanda Lucia o kung tawagin niya sa palayaw nitong “Gummy” at ang asawa ng aktres slash TV Host na si Mikki Eduardo.
Kilala ang La Union bilang ang “surfing capital of Luzon’s west coast” kaya hindi na palaisipan kung bakit malapit na ngayon ang damdamin ni Bettinna sa kalikasan lalo na sa napakagandang beach.
Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram
Isa na nga sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Bettinna ay ang pagsu-surf kasama ang kanyang asawa na si Mikki na siya ring nagtuturo sa kanya.
Kumakailan lamang nang nagbahagi ng mga candid na larawan si Bettinna sa kanyang Instagram account kung saan ay makikita kung paano siya nahirapan sa pananatiili sa ibabaw ng kanyang surfing board.
Patok na patok naman sa netizens ang mga reaksyon at ekspresyon ni Bettinna sa bawat larawan dahilan kung bakit niya napagtanto kung gaano kahirap ma-achieve ang inaasam na resulta ng mga larawan.
Dahil dito, hindi napigilan ni Bettinna na i-compare ang kanyang mga larawan sa iba na nagagawang ma-achieve ang magandang resulta ng kanilang “surfing photos”.
Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram
“Hindi pala nakakaglamorous ang surfing! Bakit yung mga friends ko gaganda. Poise na poise! Swabeeee,” sulat ni Bettinna sa kanyang caption.
Punong-puno naman ng “laughing emojis” galing sa fans ang comment section ng mismong post ni Bettinna. Iilan lamang sa mga komentong ito ay:
“OK naman. Cute. 😍”
“Expectation vs reality😂”
Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram
“Ganda pa din!! 😍😍😍”
“Super pretty pa din”
Kahit na’y hindi man na-achieve ang inaasam na kalalabasan ng mga larawan katulad ng “surfing photos” ng ibang celebrities, amazing at perpekto naman sa sariling paraan ang naging resulta ng mga larawan ni Bettinna dahil nakamit naman niya ang pagiging natural.