Pinag-usapan kamakailan sa social media ang viral video ng mag-tiyuhin na Jericho Rosales at John Manalo kung saan mapapanood silang nagro-roadtrip sakay ang kanilang bisikleta sa magandang lungsod ng Marikina.

Sa video na ibinahagi ni Jericho sa kanyang Instagram story, ay mapapanood ang masayang roadtrip ng mag-tiyuhin. Tinawag pa ni Jericho na “Ronda Marikina with John” ang kanilang roadtrip.

Ani Jericho sa video, “Magandang gabi mga kapatid. Good evening, Marikina! Yes, sir. Concepcion Church. Tonight is ronda Marikina with John.”
Kabilang sa mga pinuntahan nila Jericho at John ay ang city hall ng Marikina. Nadaanan din nila ang sikat na tanawin at isa sa mga landmark ng siyudad ang “Marikit-Na” statue.

Ngunit maliban sa simpleng pamamasyal at roadtrip ay may isang bagay pa na ginawa sina Jericho at John na talaga namang nagpamangha at kinaaliwan ng netizens.
Marahil napagod sa kakapadyak kaya nagutom ang mag-tiyuhin at naghanap ng makakain sa kalagitnaan ng gabi.

Medyo nahirapan sina Jericho at John na makahanap ng makakainan dahil sa kanilang mga napuntahan na kainan ay parating wala silang naabutan na kanin o walang ibinebentang kanin.
Nagbiro pa si Jericho nang malaman na ubos na ang ibinebentang kanin ng isang karinderya.
Natatawang saad ni Jericho, “Hindi…Ba’t walang rice? Ano ang pares kung walang rice? John, anong oras magkaka-rice? Gusto ko ng rice. Gutom na me.”

Kaya naman sa huli ay dinala ni John ang kanyang uncle sa isang barbeque-han. Pagkukuwento ni Jericho sa video, “So ang ending namin, dito ako dinala ni John-John sa isang barbeque-han, yum yum.”

Agad namang nakilala sina Jericho at John ng mga tindera ng barbeque-han. Nakakatuwa namang panoorin si Jericho na masayang nakikipag-kulitan sa mga tindera ng kainan.

Samantala, bukod sa seafood, liempo at barbeque ay nagpa-ihaw din si Jericho ng talong at okra.

Kapansin-pansin naman sa video ang pagiging hindi maarte at kasimplehan ni Jericho at John.
Nagkamay at ganadong-ganado sa kanilang pagkain ang mag-tiyuhin. Nag-order din ang mga ito ng beer para magsilbing panulak sa kanilang kinain.

Sa huling bahagi ng video, ay makikita na simot na simot ang pagkain sa pinggan ng mag-tiyuhin.
Pinuri naman ng maraming netizen si Jericho dahil sa kabila ng kasikatan ay kumakain pa rin ito sa isang simpleng kainan. Komento ng netizens:

“Walang kaso ke idol echo yan… Yan ang kagandahan sa mga nanggaling sa wala…karamihan ndi nakakalimut lumingon sa pinanggalingan.😉”
“Pogi na mabait pa.. yan ang idol ng bayan Mr. Jericho Rosales😍❤️👍”

“yan ang humble di nakakalimut kumain sa simply kainan.”
“Simple humble my idol forevr wd john👌ingat”