Mga netizen, bumilib sa katalinuhan at husay sa pagbabasa ng napaka-cute na anak nina Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto na si Tali!

Maraming netizens ang bumilib sa napaka-cute na anak nina Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto na si Tali matapos nitong mahusay na basahin at pangalanan ang ilang sikat na pagkaing Pinoy!

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa kanyang murang edad na 3, pamilyar na si Tali sa ilang mga pagkaing Pinoy at ito ay dahil sa kanilang reading session ng kanyang Mommy Pauleen.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Mapapanood nga sa inupload na video ni Pauleen sa kanyang Instagram account ang pagbabasa ni Tali ng isang libro tampok ang pangalan at larawan ng ilang pagkaing Pinoy tulad ng Adobo, Dinuguan, Bibingka, Ginataan at marami pang iba.

Marami sa mga pangalan ng mga pagkain ay kabisado at alam nang basahin ni Tali kaya naman hindi maiwasan ni Pauleen na maging proud sa kanyang anak.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Ikwenento naman ni Pauleen na paborito ni Tali ang mga pagkaing Pinoy partikular na ang mga pagkaing may sabaw.

Ani Pauleen, “Introducing Filipino food to Tali! Tali loooves Filipino food or anything with sabaw! Her favorites are sinigang, monggo and bulanglang! I am so happy to come across this book,”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Dagdag niya, “A for Adobo, from @pumplepiebooks cos we got to introduce other Filipino food as well 😋 Also, she learned to read all the words in the book already so it makes me really proud.”

Ayon pa kay Pauleen, isa sa mga naging bonding na nilang mag-ina ay ang pagbabasa. Hiling naman niya na hindi magsawa si Tali sa kanyang hilig na magbasa.

“I love how reading is one of our bonding activities! I hope she doesn’t outgrow this ❤️ PS Nung una aayaw ayaw pa, bibigay din pala,” ani Pauleen.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Samantala, bilib na bilib naman ang maraming netizens sa katalinuhan ni Tali. Komento nila:

“She’s sooo smart! Good job Mommy pauleen!”

“So smart Tali she can read na? How old is she po? Love you Tali girl”

“Yehey! You’re so cute and smart, Tali!”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“she’s so intelligent and you’re an effetive tutor Pauleen”

“Super Smart and supeerrrr ccuuuutttteee! Gigil ako sa leeg!”

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 300K views ang nakakatuwang video ni Tali sa Instagram.