Mga netizen, hanga sa kwento ng isang ulirang ama na kumakayod sa kabila ng k@pansanan sa kamay para maibigay ang pangangailangan ng pamilya

Maituturing ang isang haligi ng tahanan bilang numero unong tagapagtaguyod ng isang pamilya. Kaya naman sa kabila ng pagiging handicap ng isang viral fishball vendor ay hindi siya tumigil sa pagkayod masuportahan lamang ang kanyang pamilya.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Umani ng paghanga mula sa marami si Tatay Noel Perez na isang ama na naghahanap-buhay bilang isang fishball vendor matustusan lamang ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Nag-viral kamakailan lamang ang istorya ni Tatay Noel o mas kilala rin ng kanyang mga suki bilang “Mang Weng” dahil sa kanyang pagiging isang ulirang ama sa kabila ng kanyang kapansanan sa kamay.

Sa video na ibinahagi ng GMA Public Affairs Exclusives, mapapanood ang pagbebenta ng fishball ni Tatay Noel sa kabila ng pagkakaroon lamang niya ng isang kamay.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Ayon kay Tatay Noel, kahit na may kakulangan siya ay hindi siya tumigil sa pagtatrabaho dahil sa takot niyang ‘magkulang’ bilang isang haligi ng tahanan. Bilang isang padre de pamilya, inamin ni Tatay Noel na hindi niya gustong magkulang sa kanyang pamilya dahil lamang sa kulang siya ng isang kamay.

Ayon sa isang video na inilabas ng GMA Public Affairs Exclusives, taong 1983 nang makuryente si Tatay Noel sa pinagtatrabahuhan niyang construction site na naging sanhi sa pagkakaput0l ng isa niyang kamay.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Ngunit hindi naging katapusan ng mundo para kay Tatay Noel ang iniindang kondisyon bagkus ay lalo pa siyang nagsumikap sa buhay para matugunan ang pangangailangan ng kanyang asawa at mga anak.

Sa kanyang pagsusumikap sa kabila ng kapansanan ay napagtapos nga ni Tatay Noel ang kanyang dalawang anak.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Gayunman, magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin na nagbebenta ng fishball si Tatay Noel para makatulong sa kanyang pamilya. Ikwenento ni Tatay Noel na kahit may trabaho na ang kanyang mga anak ay hindi pa rin ito sapat para sa kanila.

Dagdag dito, ibinahagi rin ni Tatay Noel na kumakayod siya para sa pagpapagamot ng kanyang asawa.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

“Nakapag-abroad nga po ‘yung anak ko pero mahina po ‘yung sahod. Kailangan ko pong magtrabaho, ‘yung sa misis ko po kailangan pa ‘yung medication,” saad ni Tatay Noel sa video na ibinahagi ng GMA News and Public Affairs.