Mga netizen, hinangaan ang walang kupas na ganda ni Kristine Hermosa at pati na rin ang nagagandahan at naggagwapuhang mga anak nila ni Oyo Sotto

Isa si TV actress Kristine Hermosa sa mga pinaka-mahusay at pinaka-magandang aktres sa Philippine showbiz industry. Ngunit nang mag-asawa ay mas pinili ni Kristine na lisanin ang showbiz para mas matutukan ang kanyang pamilya.

Credit: Oyo Sotto Instagram       

Matatandaang noong January 12, 2012 ay ikinasal ang aktres sa aktor na si Oyo Boy Sotto. Biniyayaan ng apat na anak sina Kristine at Oyo Boy. Ang kanilang panganay na si Kristian Daniel o Kiel ay ang ampon na anak nina Kristine at Oyo Boy. Bago pa lamang sila ikasal ay inampon na nila si Kiel.

Hindi nagtagal ay biniyayaan din ng kanilang sariling anak ang mag-asawa. December taong 2011 ay dumating ang unang anak nina Kristine at Oyo Boy na si Ondrea Bliss. Sunod naman na ipinanganak ni Kristine si Kaleb Hanns taong 2014. Ang kanilang bunsong anak naman na si Marvic Valentin ay isinilang taong 2016.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Ngayon ay hindi na aktibo sa showbiz si Kristine ngunit parati pa rin itong nakikita ng kanyang mga tagahanga sa kanyang mga social media accounts.

Kilala si Kristine ng lahat bilang hands-on nanay. Ayon na rin sa mga balita, walang kasambahay sina Kristine.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Madalas mag-post si Kristine ng iba’t ibang larawan sa kanyang social media kasama ang kanyang apat na anak at si Oyo Boy.

Kamakailan lamang sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Kristine ang ilang larawan niya kasama ang apat na anak.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Masayang nakipag-bonding si Kristine sa kanyang mga naggagandahan at naggagwapuhang mga anak. Sa mga larawan ay makikita ang paglalambing ng mga anak ni Kristine sa kanya.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Samantala, kapansin-pansin sa mga larawan na unti-unti nang lumalaki ang mga anak nina Kristine at Oyo Boy.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Kagaya ng kanyang Mommy Kristine ay napakaganda rin ni Ondrea Bliss o mas kilala sa kanyang palayaw na “Dre”.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Hindi rin papahuli ang tatlong anak na lalaki nina Kristine at Oyo Boy na tiyak paglaki ay kagigiliwan din ng mga tao dahil sa kanilang gwapo at maamong mukha.

Maraming netizens naman ang nakapagsabi na hindi pa rin kumukupas ang taglay na karisma at kagandahan ni Kristine kahit pa maraming taon na ang lumipas. Komento ng netizens:

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

“Kaganda ng mga anak at siyempre higit sa lahat ang nanay”

“Pag maganda ang puno…maganda rin ang bunga!”

“Ang ganda ni Dre like mom, the boys are handsome too”

“Ageless miss kristine este misis gandaaaang beauty and the kids like mommy”