Mga netizen, hindi maiwasang mapa-wow sa napakagandang garden ni Cheska Garcia Kramer!

Marami sa atin ang inilalaan ang kanilang oras ngayong panahon ng quarantine sa pamamagitan ng pagsubok ng mga bagong bagay, pagpapabuti sa kanilang sarili at maging pagpapaganda ng kanilang mga tahanan.

    Credit: @chekakramer Instagram

Kahit na marami sa atin ay nasa bahay lamang, sinisigurado nilang hindi nasasayang ang kanilang oras at sila ay produktibo pa rin.

Katulad na lang ng aktres at maybahay na si Cheska Garcia Kramer na ginugol ang kanyang oras sa pagpapaganda ng kanilang garden.

Ibinahagi ni Cheska sa isang Instagram post ang ilang larawan ng kanilang garden na aniya, isang linggo rin niyang pinagtrabahuang pagandahin.

Credit: @chekakramer Instagram

Itinuturing ni Cheska na “big win” ang magandang resulta ng pagsasaayos niya ng kanilang garden.

Ani Cheska, “A lovely evening to all! ❤️ Been working on our garden for a week now and I am pretty happy with how it’s turned out. 😊 Small joys are big wins especially during these times.”

Halata namang pinaghirapan at pinag-isipan ni Cheska ang magiging kabuuang itsura ng kanilang garden dahil lumabas na napakaganda nito.

Credit: @chekakramer Instagram

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Cheska na maganda ang pagkakaayos ng mga halaman at maging ang iilang puno na nakatanim sa kanilang garden ay maganda rin ang lokasyon.

Nagbibigay liwanag naman sa garden ni Cheska ang mga solar lamp. Ang mga ilaw mula sa mga solar lamp ay nakadagdag din sa aesthetic ng garden. Sa kabuuan, napaka-cozy at talagang nakakarelaks tingnan ang garden nina Cheska.

Perfect na lugar din ang kanilang garden para mag-chill at magkwentuhan kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan lalo na at naglagay siya rito ng isang garden table set na may payong pa.

Credit: @chekakramer Instagram

Ipinakita naman ni Cheska sa isang larawan ang view na matatanaw mula sa itaas na bahagi ng kanilang bahay.

Maliban sa relaxing view na ibinibigay ng kanilang garden ay picture-perfect din ang napakagandang city lights view na matatanaw mula sa kanilang bahay.

Samantala, hindi naman maiwasan ng mga netizen na mapa-wow sa ganda ng garden nina Cheska. Komento ng ilang netizens:

“Omg, so nice! Love those solar garden lights”

Credit: @chekakramer Instagram

“Wow!!! Beautiful”

“Nice view!”

“Beautiful garden and view!”

“Chill and relaxing place”