Mga netizen humanga sa letrato ni Angel Locsin na nakasuot ng itim na swimsuit

Muli na naman tayong pinabilib ng nag-iisang Angel Locsin dahil sa kanyang bonggang pasabog kumakailan lamang pero kalakip ng paghangang naramdaman ng netizens ay gulat dahil sa wakas, muli na namang nagbabahagi ang aktres ng sexy niyang mga larawan!

Credit:Β @realangellocsin Instagram

Matatandaan na noong nakaraang taon, labis na kumalat ang mga larawan ni Angel Locsin sa social media kung saan ay makikita ang paglaki ng kanyang katawan pero imbes na ma-bothered sa mga masasamang komento at ibinabatong criticisms ng kanyang bashers, mas pinili ng aktres na manahimik na lamang at mas nag-focus sa kanyang mga charity.

Sa interview nito lamang Marso kasama si Ogie Diaz, nag-open up si Angel sa kanyang journey sa pagpapayat pero inamin naman ng aktres na hindi talaga siya desperada na maibalik ang dating katawan lalo na’t ayon sa kanya, siya pa rin naman si Angel Locsin at hindi siya nasusukat sa bigat ng kanyang katawan.

Credit:Β @realangellocsin Instagram

“I’m trying but I’m not trying my best. I don’t really care. I’m Angel Locsin. Na-develop ko ‘yung sarili ko nang kung ano man ako ngayon. I don’t really care,” pahayag niya.

At dahil nagbabalik na siya ngayon sa pag-eexercise, unti-unti na rin na nababawasan ang timbang ni Angel at mapapansin naman ang kanyang progress sa larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account nito lamang.

“Resting beach face πŸ‘ΈπŸ»β˜€οΈ,” sulat ng aktres sa kanyang caption kalakip ng larawang ibinahagi niya kung saan ay makikitang nasa beach siya, nakasuot ng itim na swimsuit habang direkta at seryosong nakatingin sa kamera suot ang kanyang sunglasses.

Of course, hindi lamang fans ni Angel ang na-excite sa larawang ito ng aktres dahil pati kapwa niya celebrities ay napapa-wow din!

Credit:Β @realangellocsin Instagram

“Sexyyyyy te gel 😍😍😍😍,” komento ni Kalad Karen.

“Mars ko yan πŸ”₯πŸ”₯πŸ”₯,” proud naman na sabi ng kanyang matalik na kaibigan na si Dimples Romana.

Ayon naman kay Kakai Bautista, “GRABE NAMAN PO ANO?! πŸ”₯ @therealangellocsin Kaya pala kanina pa ako pawis na pawis dinagdagan mo na naman ang INIT!!!!!!!”

“Bakit ganun? Nakaupo ka lang naman, walang effort pero bakit ang lakas ng dating mo, Queen?” sabi naman ni Eric John Salut.

Credit:Β @realangellocsin Instagram

Matagal-tagal na rin simula nang huling nagbahagi si Angel ng sexy at sultry niyang mga larawan kaya naman hindi talaga napigilan ng karamihan na magwala dahil wala talagang kakupas-kupas ang kagandahan at aura ng aktres!